Mark Joseph' Point of View:
Nagising ako nang maramdaman kong nangingimay ang braso ko. Pakiramdam ko, ipit na ipit ako. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita kong mahigpit na nakayakap sa akin si Kyle habang mahimbing na natutulog. Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin para maidiretso ko ang aking braso. Pagkatapos, napagmasdan ko siyang matulog.
Hindi talaga siya naghihilik, pero nakanganga siya kung matulog.
Hinawakan ko ang baba ni Kyle saka ko itinulak pataas para maitikom niya ang kanyang bibig. Ngunit nang tanggalin ko sa aking kamay — bumalik din sa dati ang bibig niya sa wagas na pagnganga. Bigla akong natawa, pero mahina lang dahil baka magising siya.
Nang mapagmasdan ko ng mabuti ang bibig ni Kyle, bigla kong naalala ang mga ginawa niya sa akin kagabi. Inilihis ko agad ang tingin ko sa kanya dahil nagsisimula na naman akong kabahan, sa magandang paraan. Kasalan ito ng alak na ininom ko kahapon, lumakas ang loob ko na akitin siya ng todo.
Nagmadali akong bumangon at nagsuot ng damit nang makarinig ako ng dalawang magkasunod na busina mula sa labas ng bahay. Napapangiwi ako sa sakit, tuwing kumikilos ako nang husto, pero pinilit kong kumilos ng mabilis para makauwi na ako. Pagkatapos, pinulot ko sa sahig ang hinubad na damit ni Kyle, saka ko itinago sa ilalim ng kumot para walang ibang makakita.
Paglabas ko ng kuwarto, dahan-dahan pa akong bumaba ng hagdan. Pagliko ko sa sala papunta sa entryway, nakasalubong ko si tito Felix.
"G-good morning po," nauutal na sabi ko.
"Good morning din sa 'yo, Mark. Kumain ka na ba ng umagahan? Nasaan si Benjamine?"
Napatungo ako at kung saan-saan tumingin dahil hindi ko kayang makipag-usap kay tito Felix nang mata sa mata.
"Hindi pa po ako kumakain. Doon na po ako sa bahay mag-uumagahan. Natutulog pa po si Kyle doon sa taas. Uuwi na po sana ako."
Narinig kong napabuntong hininga si tito Felix, napansin siguro niyang hindi ako sanay na makipag-usap sa kanya.
"Hindi na kita pipilitin na dito kumain. Pero ipapahatid kita kay manong Gelo pauwi sa bahay niyo, para mapanatag ako na ligtas kang makakauwi," sabi ni tito Felix.
"Salamat po."
Pinagbuksan ako ng pinto ni tito Felix at sinamahan niya ako palabas ng bahay. Ibinigay niya kay manong Gelo iyong susi ng kotse.
"Manong Gelo, pakihatid naman si Mark sa bahay nila."
"Sige po, sir Felix."
Nang tanggalin ni manong Gelo ang lock ng sasakyan, binuksan ni tito Felix iyong pinto ng sasakyan sa likod ng driver's seat. Dahan-dahan pa akong naupo.
"Mag-ingat kayo," sabi ni tito Felix bago niya isinara ang pinto.
Nang umandar na ang sasakyan palabas ng gate, may nadaanan kaming malubak, nagsalubong ang kilay ko nang mapahampas ang pwet ko sa upuan.
"Sir Mark, ayos ka lang ba?" tanong ni manong Gelo. Nakita siguro niya kung gaano kasama ang mukha ko.
"A-ayos lang po ako."
Napatungo akong bigla, saka ko kinurot ang magkabila kong pisngi upang tiisin ang sakit na aking naramdaman. That jerk! Sinadya niyang saktan ako kagabi para hindi na ako umulit! Ang sakit ng pwet ko!
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
De TodoDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...