CHAPTER 16

3.5K 170 13
                                    

Mark Joseph's Point of View:

"MJ, 'wag na natin gawing mas komplikado ang sitwasyon nating dalawa." Sabi ni Kyle.

Kanina lang nakipaghiwalay sa akin si Kyle, na siya lang naman ang may gusto. Ni hindi nga niya pinakinggan ang lahat ng pakiusap ko sa kanya kanina. Pagkatapos ngayon, hinihiling niya agad na umarte ako sa harapan ng iba na kunwari ay ayos lamang kaming dalawa.

"Hindi pa ba sapat sa iyo na nandito ako? Bakit kailangang magdidikit pa ako sa iyo para lang maisip nila na magkaibigan parin tayo hanggang ngayon?" I said.

Sandaling namilog ang mga mata ni Kyle, saka ko napansin na parang nalungkot siya. "Hindi, MJ. Nagpapasalamat ako na sumama ka. Ayoko lang na—"

Nahinto sa pagsasalita si Kyle nang mapatingin siya sa bandang kaliwa. Lumingon ako sa likuran, at nakita ko si Jasper na naglalakad palapit sa amin.

Muling napaling ang tingin ko kay Kyle nang bigla niyang hawakan ang aking siko, na tila nais niya akong alalayan. Sa lapit niya sa akin, naamoy ko ang pabango niyang cool water, na gusto ko laging amuyin. "K-Kyle, ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako." I whispered.

"Please sabihin mo nahilo ka lang." Bulong ni Kyle sa akin.

Nainis ako, kaya hinatak ko ang braso ko palayo sa kanya. Bakit ba lagi niya akong inuutusan kung ano ang dapat kong gawin at saibihin? Ano ba ang palagay niya sa akin? Nabili niya ng salipi para maging sunod-sunuran sa kanya?

"Huwag mo akong hawakan," I said, angrily.

Salubong ang kilay ni Jasper nang lumapit siya sa akin. Sa hilatsa pa lamang ng mukha niya ay alam kong nagtataka siya sa aming dalawa ni Kyle. "Kuya, kanina pa kayo hinahanap doon sa loob. Akala namin nakasunod na kayo sa amin, iyon pala nandito pa rin kayo. Naka-order na sila ng pagkain dahil sa tagal niyo."

"Nahilo kasi si MJ kaya hindi kami nakasunod agad." Sabi ni Kyle.

Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya akong 'MJ' sa harapan ng ibang tao. Na binabanggit lang naman niya sa tuwing kami lang ang magkasama. Iyong tawag niya sa akin na kami lang ang nakakaalam, ipinaririnig na niya ngayon sa iba. Sumasagad na talaga ang inis ko.

"Hindi ako nahihilo. Huwag kang maniwala sa kanya. Ang totoo, hinila niya lang ako bigla at pinagsabihan niya ako nang kung ano." I said.

Biglang sumama ang mukha ni Jasper. Pakiramdam ko ay ready na agad siyang magpakawala ng suntok ano mang oras. Tumingin siya ng masama kay Kyle. "Anong sinabi mo sa Kuya ko na hindi mo masabi sa harapan namin? Kung tutol ka sa mga nangyayari, magsalita ka ng harapan. Dahil wala kaming balak na ipagsisiksikan si mama sa daddy mo."

Iwinagayway ni Kyle ang palad niya sa harapan ni Jasper. "Hi-Hindi! Nagkakamali ka! Hindi ako tutol sa pagpapakasal nila. Ang totoo niyan, kasi..."

"Kasi ano?" Galit na tanong ni Jasper.

Pumaling ang mata ni Kyle sa akin. Tinapunan ko siya ng nakamamatay na tingin para bigyan siya ng babala na huwag niyang sasabihin kay Jasper na nagkaroon kami ng relasyon, at ako ang may ayaw sa magaganap na kasalan.

Muling tumingin si Kyle kay Jasper. "Medyo nag-away kasi kami ni MJ kaya nag-sorry lang ako sa kanya. Pero ayos na kami." Sabay akbay niya sa akin. "Diba?"

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon