Mark Joseph's Point of View:
Sinabi sa akin ni JK kung bakit siya lumayas sa bahay nila. Pati na rin ang pag-iwas na ginawa niya sa kanyang pamilya. Pinakinggan ko ang buong kwento niya kahit tatlong ulit na siyang tumawag sa akin. Pagkatapos, sinabihan ko siya ng, "tanga."
Hindi naman solusyon ang maglayas para lang matupad niya ang mga gusto niya sa buhay. At sa ganoong pagkakataon pa talaga kung kailan nagluluksa ang pamilya niya. Makuha man niya ang pangarap na gusto niya, kanino naman niya ibabahagi ang tagumpay niya? Sa mga kaibigan? O sa sarili niya? Pero nasisigurado ko, masasabi pa rin niya na, "may kulang."
Dahil naniniwala ako na walang papantay sa sayang dulot ng tagumpay kung pamilya mo ang kasama.
Gusto ko tuloy puntahan si JK sa bahay nila para batukan siya ng malakas hanggang sa maalog ang utak niya. Pagkatapos, sasabihin ko sa kanya na wala siyang kwenta. Pero dahil sinagip niya ako sa kadiliman noon, hindi ko na lang siya babatukan.
Makalipas ang ilang linggo, nalaman ko kay mama na nakahanda na ang lahat para sa kasal nila ni tito Felix. Unti-unti ko nang nakita ang excitement niya sa nalalapit niyang kasal. Madalas ko siyang makitang tinitingnan ang isusuot niyang wedding gown. Pinasukat na nga niya sa amin ni Jasper ang isusuot naming damit.
Sa villa ni lola Lhea ang wedding reception, regalo niya iyon para kay mama. Si JK naman ang nakaisip na mag-ambagan kaming mga anak para makabili kami ng dalawang ticket papunta sa hongkong, bilang regalo sa ikakasal. Pumayag kami ni Jasper pati na rin si Kyle.
Limang araw na lang, ikakasal na si mama sa ama ng lalaking minamahal ko. At sa tingin ko, kailangan ko nang ayusin ang sarili ko at tanggapin na lang ang lahat. Mahirapan man ako, ang mahalaga, hindi ako habang buhay na ganito.
At dahil malapit na ang kasal, inutusan ako ni mama na ibigay ang tatlong imbitasyon para sa aking mga kaibigan. Kaya't narito ako ngayon sa tapat ng bahay nina Luis para ibigay sa kanya ang invitation nila ni tita Veronica para sa kasal ni mama. Ibibigay ko na rin ang para kanina Haru at Chris.
Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses, pero walang nagbukas ng pinto. Lumabas ako ng gate at pumunta sa bake shop nila Lusi na nasa tabi lang ng kanilang bahay. Sumilip ako sa bintana at doon ko nakita si Luis na nagpupunas ng lamesa, kaya't pumasok na ako.
"Luis, paistorbo lang sandali," I said.
"Seph! Pupunta ka pala rito wala ka man lang pasabi," sabi ni Luis na huminto sa pagpupunas ng lamesa upang lumapit sa akin.
"Hindi na ako nakapag-text sa iyo, wala kasi akong load," I said. Hindi na ako nagpapa-load dahil wala na akong kailangan tawagan at i-text araw-araw.
"Gano'n ba? Upo ka muna. Tamang-tama ang dating mo kasi magsasara na ako ng shop," sabi ni Luis bago niya binaliktad iyong open/closed sign na nakasabit sa pinto.
Umupo ako sa couch na malapit sa bintana saka ko ipinatong iyong tatlong wedding invitation sa ibabaw ng lamesa. Itinulak ko iyong invitation palapit kay Luis nang umupo na siya sa couch na nasa tapat ko. "Ipinabibigay ni mama. Invitation iyan para sa kasal nila ni tito Felix. Kasama na diyan si tita Veronica. Ikaw na rin ang bahalang magbigay ng invitation nina Haru at Chris."
Kinuha ni Luis iyong wedding invitation at binasa iyong nakasulat sa likod. "Salamat. Ako na ang bahalang magbigay nitong dalawa," inilapag niya ulit sa lamesa iyong mga invitation saka siya tumingin sa akin. "Nag-usap na ba kayo ni Kyle?"

BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...