Mark Joseph's Point of View:
Humarang si Kyle sa pinto ng classroom namin para hindi ako makalabas. "Sumama ka na sa amin. Kasama naman ako eh. Ako ang tatabi sa 'yo para hindi ka kabahan. Chance mo na 'to para mapalapit ka sa iba pa nating kaklase."
Kanina pa ako pinipilit ni Kyle na sumama sa bahay ng classmate namin na si Julian, para makigulo sa kasiyahan nila bago magbakasyon.
Hindi ko maitindihan kung para saan pa ang 'chance' na sinasabi ni Kyle. Kung kailan naman kasi tapos na ang isang taon namin bilang mga third year high school student, saka pa lang ako makikipagkaibigan sa mga kaklase namin? Parang huli na yata na gawin ko pa iyon ngayon.
Pinilit kong itulak si Kyle paalis sa harapan ko, pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya sa pintuan. "May isang taon pa tayo sa high school, Kyle. Pass muna ako. Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumama sa kanila. At isa pa, ikaw lang naman ang nang-iimbita sa akin eh."
Sumulyap si Kyle sa mga kaklase namin na nagkukumpulan sa kabilang pinto, saka siya ulit tumingin sa akin. "Nilapitan nila ako kanina. Pakiusapan daw kita na sumama sa amin dahil gusto ka nilang makilala."
Sumulyap ako sa mga kaklase ko na nasa kabilang pinto, ngumiti sila sa akin at kumaway pa. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalan ko sila, dahil ang isa sa kanila na si Gabriel ay laging masama ang tingin sa akin. Maraming posibilidad na hawakan nila ako. Ayokong gumawa ng eksena at simulang pag-usapan ng mga tao.
"Kyle, alam mo naman na hindi ako nasakay sa pampublikong sasakyan maliban sa taxi. Paano tayo pupunta sa bahay ni Julian? At paano kung lapitan nila ako? Kakabahan ako panigurado. Baka mag-collapse ako, hindi pa naman ako sanay sa kanila eh." I whispered.
"Ako ang bahala sa 'yo." Kyle whispered.
Pinanghawakan ko ang sinabing iyon ni Kyle sa akin, kaya sumama na ako sa kanila. Malaki naman kasi ang tiwala ko sa kanya.
Sumakay sa jeep ang mga kaklase namin, habang kaming dalawa ni Kyle ay naglakad papunta sa bahay ni Julian. Ayaw kasing maglakad ng mga classmate namin dahil mainit.
Pagdating namin ni Kyle sa bahay ni Julian, nagsisi akong bigla kung bakit sumama pa ako. Nakita ko kasi na umiinom sila ng alak. Paano silang napagbilhan ng alak sa tindahan?
Humarang sa harapan ko si Kyle at mukhang uminit ang ulo niya. "Sira talaga mga ulo niyo, mag-iinuman pala kayo inaya niyo pa si Mark. Ang tino ng usapan natin kanina tapos ganito pala gagawin niyo. Uuwi na kami."
Lalabas na sana kaming dalawa ni Kyle nang biglang dumating si Julian kasama si Carlo; may dala silang soft drinks. Naitulak ko ng kaunti si Kyle dahil mababangga ako ni Julian. Humawak ako sa laylayan ng damit ni Kyle nang makaramdam ako ng matinding kaba.
"Kyle, umuwi na tayo." I whispered.
Alam ko na sa boses ko pa lang, halatang nagsisimula na akong mangatog sa tindi kaba. Ayoko sa lahat ay iyong makakita ng maraming lalaki na nag-iinuman ng alak.
Napahigpit ang hawak ko sa damit ni Kyle, nang magsalin ng alak si Grabriel sa malaking baso; kaunit na lang mapupuno na iyon ng alak.
"Julian, harangan mo 'yang dalawang 'yan. Gusto agad umuwi eh. Kararating lang naman. Tumagay muna kayo." Sabi ni Gabriel.
"Hindi umiinom ng alak si Mark. Uuwi na kami." Sabi ni Kyle.
"Kyle, ikaw na lang ang uminom ng para kay Mark para makauwi na kayo. Hindi kayo titigilan nito ni Gab. Nagpabili na nga ako ng soft drinks para kay Mark eh." Sabi ni Angelo.
Inabot ni Gabriel iyong isang baso ng alak kay Kyle. "Apat na tagay ang uubusin mo."
Apat na tagay!? Halos mapuno na niya iyong isang baso! Okay lang ba siya? Sinasabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan ang mukha nito ni Gabriel eh.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...