CHAPTER 34

2.9K 144 11
                                    

Mark Joseph' Point of View:

Pinaikot-ikot ni Sean sa magkabila niyang kamay iyong bolang ipinasa ko sa kanya. Sa itsura niya na tila handang pumatol sa aking hamon, parang gusto niyang isampal sa akin na hindi ako mananalo sa kanya. Sa bagay, magaling naman talaga siyang maglaro ng basketball kahit noon pa. Ano nga naman ang laban ko sa kanya, e kailan lang naman ako natuto.

Pero ano naman kung matalo niya ako sa laro namin? Hindi ko naman siya inayang maglaro ng basketball para manalo. Kundi para maibigay ko sa kanya ang gusto niya noon pa. At gusto ko rin isaksak sa utak ko iyong pakiramdam ko noon kapag kasama ko si Sean.

"Mark, sigurado ka ba na gusto mong makipaglaro sa akin?"

"Aayain ba kita kung ayaw ko?"

Ngumiti si Sean habang paulit-ulit siyang tumango na tila sumasang-ayon siya sa sinabi ko. At bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ko nang magkatinginan kami. Kaba na naman ba ito? Lumapit siya akin na masasabi kong dalawang dangkal lang ang layo mula sa akin. Inilapit niya sa akin ang hawak niyang bola.

"Maagaw mo kaya 'to sa akin?" tanong niya.

Tiningnan kong mabuti ang itaas na bahagi ng bola. Malayo roon ang kamay ni Sean. Hindi ko siya mahahawakan. Sinubukan kong agawin ang bola mula sa kanya pero nailipat agad iyon ni Sean sa kabilang kamay niya.

"Again..." sabi ni Sean.

Tiningnan ko si Sean para subukang basahin kung ano ang susunod na gagawin niya. Pero wala akong napala dahil hindi naman nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Wala akong nagawa kundi muling subukang agawin ang bola mula sa kanya, pero agad na naman niya iyong naiiwas sa akin. Naiinis na ako.

"Ano ba. Dati ka bang nagtatrabaho sa circus?" reklamo ko.

Bahagyang tumawa si Sean at napansin kong nawala ang atensyon niya sa akin. Nakaramdam ako bigla ng maliit na pag-asa. Kaya naman sinubukan kong agawin iyong bola sa kanya. Pero sa kasawiang palad, naiiwas niya pa rin sa akin iyong bola. Nadagdagan lang ang inis ko.

Mabilis na nag-dribble ng bola si Sean palapit sa akin. Kinabahan ako bigla dahil kaunti na lang, madidikit na ang braso niya sa akin. Kaya umatras agad ako. Nahinto lamang ako sa kakaatras nang biglang ipatong ni Sean ang hawak niyang bola sa itaas ng aking ulo. Hindi ako nasaktan dahil hindi naman malakas, sakto lang.

"Mark, hindi mo maaagaw sa akin itong bola kahit ano ang gawin mo, kung pinag-iisipan mo pa kung saan mo ito hahawakan. Nag-aalinlangan ka. Next time na lang tayo maglaro kapag hindi ka na kinakabahan at sanay ka na sa akin," sabi ni Sean matapos kong kunin iyong bola.

Sa mga sinabi ni Sean, pakiramdam ko hindi ito ang huling beses na makakasama ko siya nang kaming dalawa lang. Iniingatan ni Sean ang mga kilos niya para sa akin. Iniisip niya ang mga ayaw ko at ang mga bagay na sa tingin niya ay hindi ko kakayanin. Ako na naman ang inaalala niya. Ako? Ano nang nagawa ko para sa kanya? Ganito na lang ba ako lagi sa kahit na sinong malapit sa akin?

Ibinalik ko sa gilid ng court iyong bola. Suko na akong ayain siyang maglaro ngayon. Tingin ko mas makakabuti kung mag-uusap na lamang kami. Nakita kong umupo si Sean sa kabilang dulo ng mahabang upuan kung saan nakapatong ang bag ko.

Naglakas ako ng loob na tumabi kay Sean na bag ko lamang ang nakaharang sa pagitan naming dalawa. Kinakabahan ako at nagsisimula nang manginig ang aking mga kamay. Nang biglang humangin ng malakas, nakaamoy ako ng isang pamilyar na pabango—cool water.

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon