Mark Joseph's Point of View:
Mistulang pinipisil ng pinong-pino ang aking puso, nang marinig ko ang sinabi ni Kyle. Iyon ang mga salitang hindi ko inaasahan na maririnig ko mula sa kanya. Dahil sa bawat oras na kasama ko siya, wala siyang sawa sa pagpaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Nanginig ang aking labi, hanggang sa hindi ko na mapigil ang muling pagpatak ng luha sa aking magkabilang pisngi. "Bawiin mo ang sinabi mo, BK. Hindi mo ako iiwan diba?"
Ipinaling ni Kyle ang tingin niya sa malaking bintana na nasa aming tapat. "Sa ayaw at sa gusto mo, makikipaghiwalay pa rin ako. Pero hindi kita iiwan na may tanong ka pa sa isip mo kung bakit ko ito ginawa. Kaya pakinggan mo ng mabuti ang sasabihin—"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil ayokong marinig ang sasabihin niya. Kaya't sinigawan ko siya. "Ayoko! Hindi ako papayag sa gusto mo! Hindi. Hindi ko kaya, BK. At hindi ka magpapaliwanag dahil hindi mo ako iiwan."
Nagulat ako at tila umatras ang aking luha nang makita ko ang galit na mukha ni Kyle. Ito ang unang pagkakataon na pakiramdam ko ay nagalit siya ng husto sa akin. "Gaano ba kakitid iyang utak mo para unahin ang sarili mo kumpara sa kaligayahan ng mama mo. Hindi mo ba naisip na maraming masasaktan kapag hindi natin tinapos ang relasyon nating dalawa?" Kyle asked.
Sigurado ako na magulo lang ang isip ni Kyle dahil sa mga nangyayari. Nabigla lang siya tulad ko. Kaya kailangan ko siyang tulungan na ayusin ang problema namin. "Iniisip ko rin naman si mama. Kaya nga sabihin na natin sa kanila hanggat maaga pa. Para hindi na sila masaktan lalo. Sasamahan naman kita eh. Handa naman akong saluhin ang galit nila. Kaya ko, BK. Basta hindi ka mawala sa akin."
Napahawak si Kyle sa noo niya na tila nahihirapan siyang mag-isip. Pinunasan ko ang aking luha saka ko siya niyakap ng mahigpit. Ngunit buong lakas niya akong itinulak palayo. "Hindi ko na kayang makita na nasasaktan si daddy. Noon, akala ko, kinalimutan na niyang maging masaya simula nang mamatay ang mommy ko. Kaya ngayong alam ko na magiging masaya siya sa piling ng mama mo. Hindi ko magawang agawin iyon mula sa kanya."
Nang tanggalin ni Kyle ang kamay niya sa braso ko, ramdam ko pa ang kaunting sakit dahil sa madiin niyang paghawak sa akin. Pakiramdam ko nga ay namumula ang aking braso. Pero wala siyang ginawa para humupa ang sakit. Hindi tulad noon, na kaunting tumama ako sa kahit saan, hinihipan na niya ang aking balat na parang nagtamo ako ng sugat. Pagkatapos, itatanong niya sa akin kung saan masakit, at bibigyan niya ako ng maraming halik.
Inilapat ko ang aking noo sa dibdib ni Kyle nang maalala ko kung gaano siya kalambing noon sa akin. "Paano ako, BK? Paano tayo?"
Hinawakan ni Kyle ang aking magkabilang pisngi, saka niya inangat ang aking mukha upang ipaling sa kanyang harapan. Nang tingnan ko siya sa kanyang matapang na mga mata, wala akong maramdaman na kahit kaunting pag-aalinlangan. "MJ, ngayon mo ako mas kailangan, pero iiwan kita. Gusto mong manatili sa tabi ko, pero ipinagtutulakan kita palayo sa akin. Minahal mo ako ng sobra, pero heto ako at sinasaktan kita. Hindi ako nararapat para sa pagmamahal mo. Dahil hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sa 'yo."
Inilapat ko ang aking kamay sa kamay ni Kyle na nakahawak sa aking magkabilang pisngi. "Sabihin mo. Naghangad ba ako ng mas higit pa sa kaya mong ibigay para sa akin, BK? Hindi naman diba? Bakit ngayon bumibitiw ka na?"
Tinaggal ni Kyle ang kamay niya sa aking pisngi saka siya muling pumaling sa tapat ng malaking bintana. "Hanapin mo ang magpapasaya sa 'yo, MJ. Alam ko, magmamahal ka ulit."
![](https://img.wattpad.com/cover/45026238-288-k245560.jpg)
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
AcakDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...