Mark Joseph' Point of View:
Hindi ako nakapagsalita nang marinig ko ang boses ni Sean mula sa kabilang linya. Nilapatan ng kaba ang puso ko at nawala sa aking isipan ang dapat na sasabihin ko sa kanya. Wala na akong nagawa kundi pindutin ang end call button para huminga ng malalim at ikalma ang aking sarili.
Hindi pa ata ako handa...
Inilapag ko sa lamesa ang aking cellphone saka ako uminom ng tubig. Paano kaya nalaman ni Sean ang number ko? Ibinigay kaya ni mama sa kanya? Nagtaas ako ng tingin nang mapansin kong tila mayroong nakatitig sa akin—Si Maci.
"Bakit?" I asked.
Umiling ng dalawang ulit si Maci saka niya itinuro sa plato ko ang hawak niyang tinidor. "Wala lang. Para kasing wala ka sa sarili mo. Hindi mo pa nga ginagalaw iyang pagkain mo eh."
"Oo nga, Mark. Ayos ka lang ba? Namumutla ka kasi. Naiinitan ka ba?" tanong naman ni Iah.
Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. Namumutla ako? Hindi ko namalayan. Madalas naman ramdam ko ang senyales kapag mamumutla na ako. Tulad ng panlalamig sa aking batok at panghihina. Pero parang ayos lang naman ako ngayon. Siguro dala lang ng kaba ko kanina.
"Ayos lang ako. Marami lang sigurong tao rito kaya medyo balisa ako," I lied.
"Bilisan na lang natin kumain para makauwi na tayo," sabi ni Maci.
Sasabayan ko na sana silang kumain nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang silipin ko kung sino ang nag-text, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Akala ko si Sean.
From: Benjamine Kyle
Balita ko umalis na sa school si Sean. Kaya naman pala pumasok ka na at hindi mo na sinabing lilipat ka ng school. Kamusta? Masaya ka ba? Nawalan siya ng trabaho dahil sa 'yo?
Umigting ang bagang ko dahil sa sinabi ni Kyle. Inuuyam niya ako. At ipinamumukha niya sa akin na masama akong tao. Na wala akong iniisip kundi ang sarili ko lang. Bakit, sinabi ko bang umalis siya para sa akin?
Galit akong nag-type ng reply.
To: Benjamine Kyle
Oo, masaya ako. Dahil sa wakas hindi ko na siya makikita rito. Masaya ka na?
Padabog kong inilapag sa lamesa ang cellphone ko na ikinagulat naman nina Maci at Iah. Hindi ako nakakain ng maayos dahil sumaksak sa isip ko ang sinabi ni Kyle sa akin. Ilang sandali pa, nag-vibrate ulit ang cellphone ko.
From: Benjamine Kyle
Kung ganoon, mahihirapan ka na talagang lumapit sa iba. O mas tamang sabihin na... wala ka nang pag-asang magbago. Dahil aasa at aasa ka na lang sa mga taong nakakalapit sa 'yo. Sa mga taong hindi mo kinakatakutan. Kasalanan mo kapag hindi ako nakapag-asawa kakaintindi ko sa 'yo.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone saka ako tumayo at kinuha ang dala kong bag na nakapatong sa isa pang silya. "Excuse me. Uuwi na ako."
"Sukang-suka na ata talaga si Mark sa mga matataong lugar. Dapat siguro humanap na tayo ng bagong kakainan," dinig kong sabi ni Maci.
![](https://img.wattpad.com/cover/45026238-288-k245560.jpg)
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
AléatoireDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...