Okay mga bata, hindi naman ito masyadong spg so please, patawarin niyo ako sa mga mababasa niyo. Haha! Ginawa ko na ang best ko na maisulat ko ito ng maayos, pero talagang hanggang dito na lang ang kaya ng kaluluwa ko. Kung may makita kayong typo at grammatical error, alam ko marami. Pagpasensyahan niyo na. Sadyang, mahina ako diyan eh. So, enjoy reading na lang. —Kae
***
Benjamine Kyle' Point of View:
Hinawakan ko sa magkabilang balikat si MJ saka ko siya itinulak palayo sa akin, napahiga siya sa kama at nagtataka siyang tumingin sa akin. "A-Ayaw mo ba?" sabi ni MJ habang nanliliit ang mga mata niya at mukhang hinihingal, daig pa niya ang nag-jogging simula umaga hanggang gabi.
"Umayos ka nga," I said. Umiwas ako ng tingin kay MJ dahil hindi magiging madali para sa akin ang magtiis kung makikita ko siyang ganito. Para siyang nauuhaw at init na init. Masyado niyang ginigising ang aking pagkalalaki.
"Okay, aayos ako," sabi ni MJ. Napasulyap ako sa kanya nang marinig kong lumangitngit ang kama ko. At nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naghuhubad siya ng t-shirt. Pinigilan ko siya agad bago pa niya mahubad ang lahat ng damit niya.
"Ano ka ba, MJ! Mali ka ng intindi! Hindi ko sinabing... Uhg! Magbihis ka nga! Wala akong gagawin sa iyo," I said. Inabot ko sa kanya ang t-shirt niya habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Halos naririnig ko na ang bilis ng kabog ng puso ko.
Nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni MJ sa aking kamay nang kunin niya ang hawak kong damit, inilayo ko agad ang kamay ko. Ang init ng kamay niya... At malambot ang... Hindi! Hindi! Mali itong iniisip ko. Pinaling ko ang aking tingin sa pinto ng silid. "Magsabi ka nga. Ano ba talaga ang nangyaya—" napahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong kilabutan, hinipan ni MJ ang tenga ko.
Lumingon ako kay MJ habang nakahawak sa aking tainga, saka ko siya sinigawan. "Stop that!"
Nanginginig ang mga kamay ni MJ nang kumapit siya sa suot kong damit. Mapungay ang mga mata niyang may kaunting luha. Habang kapansin-pansin naman ang namumula niyang labi. "H-Help me, Kyle," he said.
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang malaman ko kung ano ang gusto niya. Sa dami naman ng panahon, bakit ngayon pang hiwalay na kami? Pero hindi ko iyon maibibigay sa kanya kaya tutulungan ko na lang siya. Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni MJ saka ko siya inihiga sa kama. Hindi ko siya binitawan para hindi na siya makagalaw pa. "Fine! I'll help you jerk off. So please, stop seducing me."
"No. I want you to have sex with me," sabi ni MJ.
"Se— What!?" I said loudly.
"I said, I want you to have se—" tinakpan ko ang bibig ni MJ para hindi na niya maituloy pa ang sasabihin niya. Hindi ko naman sinabing ulitin niya, dahil dinig na dinig ko naman. Nanunuot pa nga sa tenga ko hanggang ngayon eh.
"Do it yourself," I said.
Binitawan ko si MJ saka ako tumayo at naglakad palabas ng aking silid. Pagsara ko sa pinto, napasandal akong bigla. Nanghina ang magkabilang tuhod ko. Nahampas ko na lang bigla ang aking noo nang maalala ko ang sinabi kong tutulungan ko siya. Crap, that was close.
"Benjamine?"
Napalingon akong agad sa gilid ko nang marinig ko ang aking pangalan. "Dad?"
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...