A/N : Kung may makita kayong grammatical error, please! Correct me if I'm wrong! In a good way, please. Lol Trying hard lang, hindi ko kasi matagalog eh. Wala akong mahukay sa utak ko. Hindi ko masabi kung mature ba ang chapter na ito, dahil... Ah basta... XD
***Mark Joseph's Point of View:
Pinalabas ko ng kuwarto si Kyle kanina kahit na gusto kong manitili siya sa tabi ko. Ang totoo, gusto kong ipakiusap sa kanya na hawakan niya ang aking mga kamay, hanggang sa mawala ang matinding kaba sa aking puso. Ngunit hindi ko iyon nagawa, dahil iniiwasan kong itanong niya sa akin kung bakit ako nagkakaganito kahit wala namang humawak sa akin.
Ayoko na malaman ni Kyle ang totoo tungkol sa aking nakaraan. Dahil natatakot ako na baka mawala siya sa buhay ko, at biglang magbago ang tingin niya sa akin.
Kanina, nang makita kong pinipilit ni Chris na hubaran ng damit si Haru, hindi ko naiwasang makaramdam ng matinding takot. Alam ko naman sa sarili ko na walang masamang intensyon si Chris sa ginagawa niya kay Haru kanina. Pero... Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko, may gagawin siyang hindi maganda. Bilang kaibigan ni Chris, nahihiya ako sa sarili ko. Dahil napag-iisipan ko siya ng masama.
Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit kong alisin ang mga alaalang pilit na nagbabalik sa aking isipan. Ngunit kahit ano ang gawin ko, bumabalik iyon na tila kahapon lamang nangyari. Isang pangyayari noong grade six pa lamang ako na pilit kong kinalilimutan.
Araw ng sabado, ala-una ng hapon, isinama ako ni papa sa bahay ng kaibigan niya na si tito Bernard na magdiriwang ng ika-limampung kaarawan. Pagdating namin doon, nalungkot ako kasi wala akong nakalaro, dahil karamihan sa mga dumalo ay matanda na. Tumabi lang ako kay papa habang nakikipag-inuman siya ng alak sa mga kaibigan niya.
Kinagabihan, nabuhayan akong bigla nang dumating si Sean kasama ang kambal niyang si Lori. Ang maliit na nunal ni Sean sa bandang itaas ng labi ang tanging palatandaan ko sa kanilang dalawa. Limang taon ang tanda nila sa akin ngunit hindi ako nasanay na tawagin silang kuya. Nakilala ko silang dalawa noong dumalaw sila sa bahay kasama ang parents nila. Ang una kong nakasundo ay si Sean.
Lumapit ako kay Sean habang nakuha sila ng pagkain ni Lori. Pagkatapos, itinuro ko iyong spaghetti carbonara na nakahain sa mesa. "Mas masarap 'to, Sean."
Napatingin sa akin si Sean saka siya biglang napangiti. "Nandito ka pala?" Sabay sandok ng spagetti carbonara.
"Kanina pa nga ako rito eh. Lahat na yata ng pagkain dito natikman ko na. Naiinip na nga ako kanina pa kasi wala akong makausap. Kasama ko si papa." I said.
"O di ang saya mo na ngayon? Kasi dumating kami." Sabi ni Lori.
"Syempre."
Pagkatapos kumuha ng pagkain nina Sean at Lori, lumabas kami ng bahay dahil wala nang maupuan doon sa loob. Nakakita si Lori ng bakanteng upuan sa tabi ng malaking puno, kaso dalawa lang, kaya ang ginawa ko, kumandong ako kay Sean.
"Sean, amoy candy ka na naman." I said.
"Uy, Mark. Paano makakakain ng maayos iyan si Sean kung kakandong ka sa kanya? Ang laki mo na hanggang ngayon ganyan ka pa rin sa kanya." Sabi ni Lori.
"Bakit parang ikaw pa ang nagrereklamo? Hindi naman ako sa 'yo kumandong ah." I said.
"Magrereklamo ba iyan sa 'yo eh kunsintidor iyan. Siguro naman kapag binata ka na, mahihiya ka na sa kanya 'no?" Sabi ni Lori.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...