Mark Joseph' Point of View:
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ng lalaking nakaupo sa aking unahan. Nakangiti siya sa akin at pilit niyang minumulat ang tila inaantok niyang mga mata. Wavy naman ang kulay itim niyang buhok na medyo basa pa. Kahit nakaupo siya, masasabi kong mas matangkad siya kaysa sa akin.
Bahagya kong naipaling patibingi ang aking ulo. "Do I know you?"
Napaawang ng kaunti ang bibig ng lalaking nasa aking harapan. At bahagyang umabante ang kanyang mukha. Hindi maitatanggi na malaki ang pagtatakang gumihit sa kanyang mukha dahil sa aking sinabi.
"Lumipat lang ako ng school dati hindi mo na ako matandaan? Diba magaling iyang memorya mo? Dati nga, kabisa mo agad ang buong multiplication table. Bakit sablay ka na ata?" sabi ng lalaking hindi ko naman kilala.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Matalas pa rin naman ang memorya ko hanggang ngayon. Halos lahat nga ng mga masasamang pinagdaanan ko, nakaukit pa sa utak ko at hindi ko magawang burahin kahit gustuhin ko.
"Hindi ko naman kasi kailangan tandaan ang pangalan mo para maipasa ko ang mathematics," I said.
"Oo nga naman," sabi ni Maci.
Tumango-tango iyong lalaki habang unti-unting napapangiti. Hanggang sa hilamusan niya ang kanyang bibig gamit ang kaliwa niyang kamay. Mukha siyang baliw sa ginagawa niya. Parang nakasinghot siya ng isang bote ng rugby bago pumasok.
"I'm Isaiah Arceo. Iah, ang tawag mo sa akin dati. Ako lang naman ang lagi mong nakakatabi simula kinder hanggang grade four. At ang mama ko ang laging nakakausap ng mama mo kapag inaantay nila tayo sa labas ng classroom. Tanda mo na?"
Kaya naman pala hindi ko siya matandaan. Nakilala ko siya bago ako makaranas ng dilubyo sa buhay. Sa tindi ng pinagdaanan ko noon, sinakop na nun ang buong utak ko. Na halos wala na akong ibang maisip, kundi ang masamang pangyayaring iyon. As if naman magkaroon pa ng puwang ang pangalan niya sa memorya ko.
"Sorry, pero hindi talaga kita matandaan. Nice meeting you though," I said.
Napasandal ako sa upuan nang ilapit ni Isaiah ang upuan niya sa akin. Halos tumama na ang binti niya sa tuhod ko, kinabahan akong bigla. Mukhang mahihirapan ako sa kanya. Magaslaw siyang kumilos.
"Okay lang kahit hindi mo ako matandaan. Matagal na rin kasi iyon eh. Hindi ko nga inasahan na makikita kita rito. Sumaya lang ako dahil nakakita ako ng kilala ko," sabi ni Isaiah bago siya tumingin kay Maci. "So... you are?"
"Maci. Galing ka rin sa malayong school?"
"Yes. Actually, dapat hindi ako rito mag-aaral dahil malayo sa bahay namin. Pero dahil may matutuluyan akong bahay, pinayagan na ako. Pinsan ko kasi ang isa sa mga professor dito. Sabi niya maganda raw mag-aral dito ng fine arts kaya nagpumilit talaga ako."
Pasimple kong inurong paatras ang upuan ko habang abala sila sa pagkukwentuhan. Kaunti na lamang kasi ay tatama na ang tuhod ni Isaiah sa akin. Alam ko na kailangan kong sanayin ang sarili ko sa ibang mga tao, ngayon na malayo ako sa mga kaibigan ko. Pero, unti-unti ko munang sasanayin ang sarili ko. Dahil kung bibiglain ko baka himatayin ako sa tindi ng kaba.
Tahimik lang akong nakaupo sa aking upuan habang nag-uusap sina Maci at Isaiah. Hanggang sa dumating na ang professor namin sa english 1. Ang suot niyang salamin ang nagpatapang sa kanyang mukha. At iyon din ang nagdala ng matinding takot sa aking puso. Nang mapansin ko ang nunal niya sa itaas ng mapupula niyang labi, nakaramdam ako ng panlalamig simula sa batok hanggang sa aking magkabilang braso.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...