Mark Joseph' Point of View:
"Anong itinawag mo sa akin? Pakiulit," sabi ni Kyle.
Mahina ang boses ni Kyle pero sapat na iyon para marinig ko ang sinabi niya. Galit ang tono ng kanyang tinig at halatang may gagawin siyang hindi maganda kapag hindi niya nagustuhan ang isasagot ko sa kanya.
Pero mas pinili kong magkanwuring walang napansin. Dahil ang gusto ko, isipin niya na wala akong pakialam sa gusto o ayaw niya. Na kahit pa magalit siya sa akin ay hindi na magbabago pa ang nasa isip ko.
Binuksan ko lang ang laman ng isang box na nasa tabi ng kama. Kumuha ako ng ilang gamit doon at ipinatong ko sa tukador.
"KUYA. Idadagdag ko ang Benjamine kapag kasama natin si JK para hindi siya malito. Tama naman diba? Mas matanda ka sa akin ng ilang buwan kaya tama lang ang itinawag ko sa 'yo. Masasanay ka rin dahil ganito ang itatawag ni Jasper sa 'yo."
Lumundag sa tindi ng kaba ang puso ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng katawan ni Kyle sa aking likuran. Kabisa na ng sistema ko ang hubog ng katawan niya. Nang mag-angat ako ng tingin, uminit ang pisngi ko nang makita ko ang reflcetion niya sa salamin. The hurt look on his face makes me want to hug him, and tell him it's okay, because I don't see you that way.
"You can call me whatever you wan't. PERO 'wag mo akong tawaging kuya. 'Wag mo akong saktan sa ganitong paraan, MJ."
"Tinutulungan kitang makalimutan ako, Kyle."
Sumikip ang puso ko nang idikit ni Kyle ang noo niya sa aking batok. Hindi ko na makita ang mukha niya sa salamin kaya hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko. Pero sa ikinikilos niya, ramdam ko na nasasaktan ko siya.
"Stop it, MJ. I don't need your help," sabi ni Kyle saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at bigla siyang nagkaganito. Hindi ba't sa aming dalawa, siya ang disidido na mamuhay kami bilang isang pamilya? Pero bakit ngayon na tinutulungan ko siya, parang lalo pa siyang lumalapit sa akin? Paano ko matutulungan ang sarili ko na kalimutan din siya kung hindi siya makikipag-cooperate sa akin!?
Tinanggal ko ang kamay ni Kyle na nakapulupot sa pagkakayakap sa akin saka ko siya itinulak palayo sa akin. Kumuha ulit ako ng gamit sa box na nasa tabi ng kama para ilagay sa ibabaw ng tukador. Mas magiging madali para sa akin kung nakikita ko kung anu-ano pa ang mga gamit na kailangan kong ilagay sa tamang pwesto.
"Hindi tayo uusad kung ganyan ka. Tulungan mo rin dapat ako, Kyle. Kung tatawagin kitang kuya, makakatulong iyon para ipaalala sa ating dalawa kung ano ka sa buhay ko, at ano ako sa buhay mo. At ang wierd naman kung kuya ang itawag ko kay JK, tapos sa 'yo Benjamine lang?"
Nang muli akong lumapit sa box na malapit sa kama, itinulak ako ni Kyle. Nawalan ako ng balanse kaya napahiga ako sa kama. Galit ko siyang tiningnan para ipakita sa kanya na hindi ko nagugustuhan ang inaasal niya. Pero galit din siyang tumingin sa akin nang ituon niya ang kamay niya sa kama. Pinagitnaan niya ang binti ko. Pagkatapos, pinadaan niya simula sa baba ko pababa sa tiyan ang daliri niya habang matalas ang tingin niya sa akin.
"Tawagin mo akong kuya ulit, then I'll rape you." He said. Lumabas siya ng kuwarto at padabog niyang isinara ang pinto. Hindi na niya hinintay ang isasagot ko. Hindi niya hinintay kasi alam ko na sinabi niya lang iyon para matakot ako. Para saktan ako. Pero mali siya sa inaakala niya. Dahil alam ko na kahit kailan hindi niya iyon gagawin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/45026238-288-k245560.jpg)
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
De TodoDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...