Mark Joseph's Point of View:
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa park na malapit sa pinapasukan kong school noon, nang makakita ako ng vapor trail sa kalangitan. Kinunan ko iyon agad ng litrato gamit ang cellphone ko. Pagkatapos, ginawa ko iyong wallpaper.
Summer na. Ang sarap tumira sa swimming pool at kumain ng ice cream. Ang bilis talaga ng mga nagdaang araw. Parang kailan lang sumakit pa ang ulo ko sa final exam namin. Ngayon, ilang buwan na lang ang kailangan kong bilangin, simula na ang madugong pag-aaral sa kolehiyo. Parang hindi pa ako handa.
"Seph!"
Ayan na naman ang pangalan ko na pinauso ni Kyle noon simula nang magkaroon kami ng classmate na Mark din ang pangalan.
Palingon pa lang ako sa aking likuran, may dumagan na agad sa likod ko. Isang tao lang naman ang gumagawa sa akin nito; si Christopher Garcia Santos.
"Ano ba Chris! Ang bigat mo! Lumayo ka nga sa akin." I said.
Si Chris ang madalas kong mahampas ng notebook noon dahil masyado siyang maharot. Pero kahit na minsan iniiwasan ko siya dahil sa phobia ko, hindi siya nagagalit sa akin. Sa halip, iniintindi niya ang aking kalagayan.
Bahagya akong itinulak ni Chris saka niya ako sinabayan maglakad. "Nasaan si Kyle? Bakit hindi mo siya kasama? Ang akala ko sabay kayong pupunta sa park eh."
"Napuyat siya kagabi dahil sa paghahanda ng dadalin niya. Nag-text nga ako sa kanya kanina na paalis na ako ng bahay, sabi niya ang aga ko raw kasi maliligo pa lang daw siya." I said.
Napatingin ako sa aking tabi nang biglang sumulpot ang kaibigan kong si Luis Alcante Esilco, kasama ang boyfriend niyang si Haru Lowen Izumi.
"Morning, Seph." Bati sa akin ni Luis.
"Morning." I said.
Si Luis na yata ang pinaka-harmless na taong nakilala ko. Magaan agad ang loob ko sa kanya noong una ko pa lang siyang makita. Siguro dahil mukha siyang babae at maamo ang kanyang mukha. Ako pa nga ang unang lumapit sa kanya noon para makipagkaibigan.
"Seph, nasaan na si Kyle? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ni Haru.
Narinig ko na bahagyang natawa si Chris. Pareho kasi sila ng itinanong ni Haru.
Salubong na ang kilay ko nang tumingin ako kay Haru. "Bakit niyo ba laging hinahanap sa akin si Kyle? Nakakapanibago bang makitang hindi ko siya kasama?" I asked.
"Oo, kahit nga sa banyo magkasama kayo eh." Sabi ni Haru.
Hindi na ako sumagot dahil baka may masabi pa akong hindi dapat.
Una kong nakilala si Haru noong makasabay ko siya sa paghihintay sa isang therapist para sa counseling. Matalas ang memorya niya at kahit hindi siya mag-aral ng husto tulad namin, mataas pa rin ang nakukuha niyang score sa exam. Sadyang pinagpala ng katalinuhan.
Ang tatlong magkababatang ito na sina Luis, Haru at Chris ay nakilala ko last year. Silang tatlo at isama pa ang makulit na si Kyle, ang naging dahilan kung bakit lalong gumulo at mas naging maingay ang buhay ko.
Malaki na ang pinagbago ng aking buhay ngayon. Kaya ko nang maghintay sa mahabang pila sa loob ng isang oras. Hindi tulad dati na ilang minuto pa lang hinihimitay na ako. Nakakapaglaro na rin ako ng basketball kahit paano. Iyon nga lang, hindi ko pa rin kayang sumakay sa pang publikong sasakyan, maliban sa taxi.
Napaganda rin ang madalas na pagpunta ko sa therapist para sa counseling. Idagdag pa ang tulong na ginagawa ni Kyle para sa akin. Pati na rin ang mga payo na ibinibigay sa akin nina Luis at Haru. Isasama ko na rin ang pagiging mapilit ni Chris na maging malambing ako sa mga kaibigan ko kahit kaunti.

BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
De TodoDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...