A/N: Sorry kung late ang update ko. Ito ay flashback ni BK tungkol sa nangyari noong umalis ang kuya niya sa bahay nila. Enjoy reading!
—Kae***
Benjamine Kyle's Point of View:
Grade 1 pa lamang ako nang malaman kong may malubhang sakit ang mommy ko. Hindi ko pa alam noon kung gaano kadelikado ang sakit na brain cancer. Ang naisip ko pa nga noon, baka sakit lamang iyon sa ulo na kailangan ikonsulta sa doctor. At kapag nawala na, maaari nang umuwi sa bahay si mommy. Hindi ko nga rin alam na kapag hindi gumaling ang mommy ko, hindi ko na siya makikita ulit kahit kailan.
Ngunit habang tumatagal, nagkakaisip ako, tinatanong ko na ang aking sarili kung bakit hindi parin maaaring umuwi ang mommy ko. At bakit sa ospital kami nagdadaos ng kaarawan o kung ano pa mang okasyon. Samantalang, mas maluwang naman sa bahay namin kumpara doon sa kuwarto niya sa ospital. Nagtaka na rin ako noon kung bakit namamayat si mommy at lagi siyang nagsusuka. Lagi rin masakit ang ulo niya, na halos sumigaw na siya sa sobrang sakit.
Sa tuwing tinatanong ko sila kung bakit, isa lang ang lagi nilang isinasagot sa akin, "hindi pa magaling ang mommy mo."
Hanggang sa natuto akong magbasa at makaintindi ng english. Nakaroon din ako ng interes sa computer. Doon ko na nalaman kung gaano kahirap ang dinadanas ng isang taong may brain cancer. Ang unang pumasok noon sa isip ko, baka mawala siya sa amin. At paano kung hindi siya gumaling?
Araw-araw akong nagdadasal para sa ikagagaling ng mommy ko. Lagi rin akong nasa ospital para magbantay at alagaan siya. Nagbabaon pa nga ako ng maraming joke para mapangiti ko siya. Kapag wala namang pasok, kasama kong magbantay ang kuya ko.
Hanggang sa isang araw, habang naghahanda ako sa pagbisita namin kay mommy sa ospital, umuwi sina kuya at daddy galing sa school na nagtatalo. Gulat na gulat ako nang marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto.
"Hindi ka ba nag-iisip, Jonathan? Bakit kailangan mong mag-aral sa malayong school? Hindi ba't sinabi ko na sa iyong education ang kukunin mong kurso sa kolehiyo!?" Galit na sabi ni daddy.
Bumaba ako papunta sa sala pero sinigawan ako daddy. "Benjamine! Bumalik ka sa kuwarto mo. Ngayon na!"
Sinenyasan ako ni kuya na sumunod ako kay daddy, kaya umakyat ulit ako, ngunit hindi ako pumasok sa aking silid. Umupo lang ako sa tabi ng hagdan.
"Dad, hindi po education ang kursong gusto ko. At sa tingin ko po, mas maganda ang turo sa school na napili ko. Handa naman po akong mag-commute kung iyong paggamit sa sasakyan ang magiging problema. Scholar naman ako, Dad, kaya hindi na po problema iyong magiging gastos sa school." Pakikiusap ni kuya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jonathan!? Bakit lalayo ka rito sa bahay ngayong alam mong kailangan ng mommy mo ang suporta natin? Uubusin mo ang oras mo sa malayong byahe? Hindi ka na nga nakakadalaw kapag may pasok ka. Paano pa kung nasa kolehiyo ka na!?" Galit na sabi ni daddy.
"Iyan ba talaga ang concern mo, Dad. O dahil hindi education ang kursong kukunin ko? At hindi ko masusunod ang gusto mo?" Sabi ni kuya, sa medyo mataas na tinig.
Nakarinig ako ng malakas na lagapak, parang sampal sa pisngi. "Sinasagot mo na ako ngayon! Ano ba ang nangyayari sa iyo at hindi mo na ako pinakikinggan!? Napabarkada ka na ba!? Sabihin mo! Iaalis kita sa school mo ngayon din!" Galit na sabi ni daddy.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...