CHAPTER 27

3.2K 163 9
                                    

Ito na ang update ko para bukas. Inagahan ko na dahil wala kaming internet. Tinopak ang PLDT eh. Naka mobile data lang ako, baka maubos agad kaya ito, publish agad. Enjoy reading!
***

Mark Joseph' Point of View:

Halos sumabog ang kilay ko sa tindi ng pagsasalubong nito habang nakatingin ako sa lalaking natutulog sa tabi ko. Sinara ko ang pinto bago ako natulog kagabi. Sigurado akong nai-lock ko iyon. Kaya paanong nakapasok ang dimuhong ito rito!? Hinigit ko ang comforter na nakapulot sa kanya na halos inangkin na niya. Umigting ang bagang ko dahil sa aking nakita.

This damn jerk is shirtless!

"Kyle! Lumayas ka rito sa kuwarto ko! Bakit dito ka natutulog!? Bumangon ka diyan!" sabi ko habang paulit-ulit na hinahampas ng unan ang ulo niya.

Hindi umimik si Kyle sa ginawa ko at nanatili siyang nakahiga. Hindi malikot ang mata niya at hustong nakasalampak sa unan ang kalahating bahagi ng kanyang mukha. Pero hindi niya ako maloloko, sa ginawa kong paghampas sa kanya hindi siya magigising? Sinong niloko niya?

"Isa! Kyle! Bumangon ka na diyan! Baka makita ka ni Jasper dito. Hindi ka ba nag-iisip? Ano sa tingin mo ang iisipin niya kapag nakita niyang nandito ka! Wala ka pang suot na t-shirt!"

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang magmulat siya ng mata. Tama ako! Gising siya! Hindi namumula ang mga mata niya kaya hindi siya halatang bagong gising. Ibig sabihin, kanina pa siya gising!

"Walanghiya ka. Kanina ka pa pala gising. Umalis ka rito baka madatnan ka ni Jasper!" sabi ko habang tinutulak siya palayo sa kama. Pero nahuli niya ang aking magkabila kamay kaya naman napahinto ako.

"Sa ginagawa mong pagsigaw sa tingin mo walang makakarinig sa 'yo? Anong masama kung dito ako matulog? Kapatid mo naman ako diba? Tinawag mo pa nga akong kuya kahapon," tugon ni Kyle bago niya ako tinalikuran at niyakap ang unan ko na parang matutulog siya ulit.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Kyle. Bakit bigla kang naging ganito? Akala ko ba—" nahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang humarap sa akin. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya.

"MJ, mayroon bang malisya sa 'yo kung matulog sa tabi mo ang KAPATID MO na walang suot na t-shirt? Sira iyong aircon sa kuwarto ko, hindi lumalamig, kaya ako nandito."

Natahimik ako sa sinabi niya. Para akong sinampal ng papel, iyong isang daang piraso. Alangan isagot ko sa kanya na, oo may malisya! Di parang kinain ko na rin iyong sinabi ko sa kanya na tatawagin ko na siyang kuya. Nakakainis siya.

"Paano ka nakapasok dito?" I asked.

Umismid si Kyle. "My God, MJ. Binuksan ko iyong pinto syempre."

Tumaas bigla ang isang kilay ko. "Sira ka! 'Wag mo akong pilosopohin! Naka-lock ang pinto ng kuwarto ko. Paano kang nakapasok dito, aber!?"

Bumuntong-hininga siya saka umupo. "Duplicate."

Umigting ang bagang ko sa sinabi niya. Hindi naman yata tama na mayroon siyang duplicate ng susi ng kuwarto ko! Kahit pa bahay nila ito. Hindi ito makatarungan!

"Paano naman ang privacy ko, Kyle?" Naglahad ako ng palad sa kanya. "Akin na. Ibigay mo sa akin iyang duplicate mo."

Tinuon ni Kyle ang kamay niya sa kama. Nang makita kong papalapit ang mukha niya sa akin, napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa pader.

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon