Ito na iyong pangalawang update na sinasabi ko. Sana mapakinggan niyo iyong video na nasa itaas. Hindi ako ang uploader niyan, salamat sa kanya. Enjoy reading.
—Kae***
Mark Joseph' Point of View:
Itinapat ko ang lente ng hawak kong camera kay mama nang tumayo siya sa tabi ng bintana habang hawak niya iyong wedding bouquet. Strapless ang suot niyang wedding dress, at gawa iyon sa floral lace at English net.
"Ma, you look absolutely stunning in that wedding dress," I said. Malawak ang ipinakitang ngiti sa akin ni mama.
"Mark, mapupuno na ng picture ko iyang memory card ng camera mo. Mabuti pa, puntahan mo na si Jasper sa kuwarto niyo. Mauna na kayong dalawa sa simbahan. Ipaubaya mo na kila Janna ang pagkuha ng mga pictures at video," sabi ni mama habang nakatingin siya sa lente ng hawak kong camera at nakangiti.
Pinindot ko ang shutter button habang nakatingin pa si mama sa akin. Pagkatapos, humalik ako kay lola na kasalukuyang nakaupo sa kama at inaayos ang laylayan ng wedding dress ni mama.
"Aalis na po ako. Mag-ingat po kayo sa byahe mamaya papunta sa simbahan," I siad.
"Mag-ingat din kayo ni Jasper," sabi ni mama. Pagkatapos, lumabas na ako ng kuwarto para pumunta naman sa kuwarto naming dalawa ni Jasper.
Isa dapat ako sa mga kukuha ng picture simula rito sa hotel papunta sa simbahan, hanggang sa matapos ang kasal at makapunta kami sa wedding reception. Pero nakiusap sa akin si Jasper na 'wag na akong kumuha ng litrato para may makasama siya. Pumayag ako dahil hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako pumapayag.
Pagpasok ko sa kuwarto namin ni Jasper, napakagulo ng kama at nagkalat ang ilang hinubad na damit sa sahig. Hindi ito ganito bago ako lumabas kanina.
"Jasper! Ilang ulit ko bang dapat sasabihin sa 'yo na 'wag kang parang sawa. Kung saan ka naghubad, doon mo rin iniiwan. 'Wag mong sabihin sa akin na kapag si JK na ang kasama mo sa kuwarto, ganito rin ang iaasal mo."
Kinuha ko iyong paper bag na nakapatong sa maliit na silya. Doon ko iniligay ang lahat ng damit na nasa sahig. Pagkatapos, inilagay ko iyon sa dresser para hindi makalat tingnan.
"Jasper?" Hindi siya sumagot sa akin.
Kumatok ako sa banyo nang makita ko ang kaunting liwanag sa ilalim ng pinto.
"Jasper! 'Wag mong sabihin sa akin na naliligo ka pa lang? Ano sa tingin mo ang oras na! Nauna pa sa 'yo si mama. Ikaw ba ikakasal?"
Hindi sumasagot sa akin si Jasper kaya binuksan ko ang pinto ng banyo, nanlaki ang aking mga mata nang makita kong kasalukuyang nagsasabon ng katawan si Kyle. Napagmasdan ko pa ang hubad niyang katawan bago ko naisara ang pinto. Napalunok ako.
"S-sorry! Hindi ko alam. Bakit ba kasi nandito ka? Hindi naman dito ang kuwarto niyo ah," I said. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto ng banyo. Nakarinig ako ng malakas na lagaslas ng tubig, hanggang sa humina iyon at tuluyang mawala.
"Gamit kasi ni Lester iyong banyo sa kuwarto namin ni kuya. Naisip ko na baka matagal bago siya matapos, kaya nakiligo muna ako rito," tugon ni Kyle.
"Eh bakit hindi ka man lang sumagot nung tinatawag ko si Jasper?"
"Hindi naman kasi Jasper ang pangalan ko. Isa pa, nandiyan siya kanina pagdating ko. Sa kanya pa nga ako nagpaalam kung pwedeng makiligo. Malay ko bang umalis pala siya," tugon ni Kyle.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...