Benjamine Kyle's Point of View:
Paulit-ulit kong hinalikan ang malambot na labi ni MJ. Hindi ko ipinikit ang aking mga mata dahil gusto kong pagmasdan ang reaksyon niya sa aking bawat halik. Nang humagod sa aking likod ang kanyang mga kamay, umupo ako sa kama para hubarin ang suot kong damit. Ngunit napahinto ako nang marinig ko ang tinig ni Chris.
"Ano na nangyari sa inyo!? Kinain na ba kayong apat ng pinto at hindi na kayo nakababa!? Bilisan niyo naman! Mag-isa lang ako rito oh!"
Ang lakas ng boses ni Chris. Bakit pati rito abot ang boses niya?
Pareho kami ni MJ na napatingin sa bandang kaliwa; bukas pala ang bintana. Kaya pala parang sa pandinig ko ay ang lapit lang ni Chris sa amin.
"A-Ayusin ko na ang mga gamit ko, BK."
Nang ipaling kong muli ang aking tingin kay MJ, nakaiwas lang siya ng tingin sa akin habang kagat ang kanyang ibabang labi. Napansin ko rin na parang nanginginig ang mga kamay niya. Nang rumihistro sa aking isip ang balak kong gawin sa kanya bago ko marinig ang tinig ni Chris, bigla akong dinapuan ng hiya.
Hinalikan ko sa noo si MJ. "Sorry, natakot ba kita? Nawala lang ako sa sarili ko. Pero puwede mo naman akong awatin eh. Hindi ako magagalit."
Hinawakan ni MJ ang aking magkabilang pisngi. "Nagulat lang ako sa 'yo nung makita kong maghuhubad ka. Pasensya ka na kung hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako."
"Ayos lang sa akin. Maghihintay naman ako eh. Ang mahalaga sa akin 'yong mararamdaman mo. Ayaw kitang biglain." I said.
"Salamat." Ani MJ.
Hinalikan ko ulit sa noo si MJ, saka ako tumayo palapit sa nakabukas na bintana para sumilip at pagalitan ang maingay na si Chris. Wala kasi siyang tigil sa kakasigaw.
"Bibig mo! Nakakabulahaw ka! Mag-aayos pa ng gamit si Seph! Ang bulabugin mo 'yong dalawang magkasama sa kabilang kuwarto na walang imik!" I said.
Umahon sa swimming pool si Chris saka tumapat sa bintana sa kabilang kuwarto. "Haru! Maaga pa! Mamaya niyo na gawin iyan!"
Sumiksik sa tabi ko si MJ para sumilip din sa bintana, habang ako naman ay tawa nang tawa dahil sa sinabi ni Chris. Para kasing maraming maaaring maging kahulugan ang sinabi niya.
Napaling sa bandang kaliwa ang aming tingin nang sumilip sa kabilang bintana si Haru. "Mga utak niyo hilaw! Ang lakas niyo mang-asar! Wala naman kaming ginagawang iba. Nag-aayos din ng gamit si Luis. Tumutulong lang ako!"
"Defensive! Wala naman kaming sinabing may ginagawa kayong iba!" Sabi ni MJ.
"Isang araw lang tayo rito! Ano ang aayusin niyo!? Malaki na 'yan si Luis! Bumaba ka na rito, Haru! Ikaw din, Kyle. Bumaba ka na! Pagsilbihan niyo ko! Mga hampaslupa!" Pabirong sabi ni Chris.
Hindi namin napigilan ang aming tawa dahil talagang inarte pa ni Chris kung paano kumilos ang mga taong matapobre. Kapag talaga siya ang kasama namin, hindi maaaring hindi kami tatawa sa kakulitan niya.
"Bababa na ako!" Sabi ni Haru bago isinara ang bintana.
Hinawakan ako ni MJ sa bewang palayo sa bintana, saka niya hinawi ang makapal na kurtina. Inilapat niya sa labi ko ang isang daliri niya, na tila sinasabi niyang huwag akong magsasalita. Without thinking, I licked his finger. Then he gave me a simple kiss.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
DiversosDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...