CHAPTER 13

3.9K 193 11
                                    

Benjamine Kyle's Point of View:

Nagising ako nang marinig kong mayroong kumakatok sa aking silid. Nang imulat ko aking mga mata, maliwanag na ang sikat ng araw na tumatama sa kurtina ng aking silid. Kinapa ko sa tabi ng unan ang cellphone ko para tingnan ang oras, ngunit naalala kong nasira ko pala iyon nang ibato ko kahapon.

Ilang sandali akong tumitig sa wall clock, tanghali na pala. Nang bumangon ako, doon ko na lamang napansin na tinatawag pala ako ni manang Edna.

"Benjamine! Benjamine! Gumisi ka na. Kailangan mo nang kumain. Benjamine!"

Hindi tumigil si manang Edna sa pagkatok sa pinto ng aking silid, kaya't napilitan akong tumayo upang buksan ang pinto. Pagkatapos, bumalik ako agad sa kama. "Mamaya na po ako kakain, manang. Hindi pa naman po ako nagugutom."

"Hindi ka naman kumain kagabi. Paanong hindi ka pa nagugutom?" Sabi ni manang Edna.

Magtataklob na sana ako ng kumot upang muling matulog, nang may ipatong si manang Edna na puting kahon ng cellphone sa aking kama. "Iniwan 'to ng lola Isabela mo kanina bago siya pumasok sa trabaho. Hindi ka na niya ginising dahil mahimbing daw ang tulog mo. Mag-ayos ka na at dadalan na lang kita ng pagkain dito sa kuwarto mo."

Bumangon ako paglabas ni manang Edna. Hindi ko inasahan na bibilan ako ni lola Isabela ng bagong cellphone na katulad nung nasira ko. Kahapon, narinig niya mula sa kabilang bahay ang pagwawalang ginawa ko. Kinausap niya ako at pinagsabihan, ngunit hindi niya ako pinagalitan.

Pinalinis ni lola Isabela kay manang Edna ang kuwarto ko kahapon. Pagkatapos, pinapaltan niya ng bago ang lahat ng gamit na nasira ko. Ayaw daw niyang madatnan pa iyon ni daddy, dahil ayaw niya na mapagalitan ako. Para akong sinuntok sa mukha, nang sabihin iyon ni lola Isabela sa akin. May nagawa na naman akong hindi maganda. At kinailangan pa ni lola na pagtakpan ang pagkakamali ko.

Dali-dali kong inilagay ang SIM card sa aking bagong cellphone upang tawagan si lola Isabela para magpasalamat. Sinagot niya agad ang aking tawag.

"Hello? Lola, salamat po sa cellphone." I said.

"You're welcome, apo. Hindi na kita binilhan ng ibang model dahil baka makahalata na ang daddy mo. Kaya itinulad ko na lang doon sa luma mo." Sabi ni lola Isabela mula sa kabilang linya.

"Pasensya na po kayo sa akin, lola. Hindi na po mauulit iyong ginawa ko kahapon." I said.

"Aasahan ko iyan sa 'yo, Benjamine. Noong kaedad mo ang daddy mo, lagi rin siyang ganyan kapag nagagalit. Sanay na ako sa inyong mag-ama. Kung ang dahilan ng ginawa mo kahapon ay ang pagpapakasal ng daddy mo, hindi kita kakampihan. Alam mo naman ang lungkot na pinagdaanan ng daddy mo noong mamatay ang mommy mo hindi ba?"

Natahimik ako sa sinabi ni lola Isabela. Ako ang nakakasama ni daddy sa ospital noon hanggang sa makauwi kami sa bahay. Alam ko ang dinanas niya, at nakita ko rin kung gaano kalaki ang naging epekto sa kanya ng pagkamatay ni mommy. Kaya nga wala akong lakas ng loob, na pigilan siya sa gusto niyang gawin, kahit pa masaktan ako.

"Yes lola. Huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po ako tutol sa pagpapakasal ni daddy kay tita Natalie." I said.

"Masaya ako na marinig iyan mula sa 'yo, Benjamine. Kasundo mo ang panganay na anak ni Natalie diba? Umaasa ako na makakasundo mo rin ang isa pa niyang anak. Oh, paano, magsisimula na ang meeting namin."

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon