Chapter 29

3.9K 69 0
                                    


Hi @superbiancaMariz 😘
Salamat sa pagtangkilik sa kwento ko.

Her POV

"J-----KATH?!"

Napatayo ako bigla mula sa pagkakahiga !

Uh oh !

Im dead !

Sabay kaming nagkatinginan ni JC.

Patay na !

Hinatak ni JC si tita karla papasok sa kwarto niya at mabilis na nilock ang pinto.

"A-anong g-ginagawa mo dito? Sa kwarto ni Jc? M-may something ba sa inyo?!" Utal utal na tanong ni tita at tila hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Ma ! Mali yang iniisip mo ! Nagpunta dito si kath hindi para sakin kundi para kay kuya. Pero please ma, mamaya ko na ikukwento ang lahat. Tulungan mo muna kaming makalabas dito nang hindi nalalaman ni papa na nagpunta dito si kath, malalagot ako kapag nalaman niyang pinapasok ko dito si kath" ani ni JC na parang hindi na alam ang gagawin niya.

"Oh bakit aalis kana agad kath? Hindi mo ba muna pupuntahan si daniel? I think kath kailangan mo munang kausapin ang anak ko." Lumapit siya sakin at hinawakan niya ang dalawa kong.

"Kath, alam kong may problema ngayon ang asawa ko at ang daddy mo pero sana wag mo namang layuan ang anak ko, malalagpasan niyo to. Wag niyong hayaan na masira lang kayo dahil sa kasakiman nang ibang tao. Humihingi narin ako nang tawad sa ginawa nang asawa ko, ako man din ay tutol sa ginawa niya ngunit huli na nang malaman ko ang ginawa niya." Sincere na pagkasabi ni tita.

"Tita, wala hong kinalaman ang paglayo ko pansamantala kay daniel sa alitan ni daddy at ni tito rommel, Mayroon lang ho akong kailangan tapusin, at mas makakabuti kong lalayuan ko muna siya para hindi siya madamay sa gulong pinasok ko." Tila naguluhan si tita sa sinabi ko.

"Pagkatiwalaan niyo ho ako tita, wala ho akong balak iwan si daniel, mahal na mahal ko ho si daniel, sa ngayon ho hindi po pweding magkita kami baka masira lahat nang plinano namin. Please tita tulungan niyo ho akong makalabas dito bago paman magising si daniel" bakas parin sa mukha ni tita ang mga katanungan, maya maya pa ay napabuntong hininga siya.

"Okey sige, lalabas lang ako saglit may kukunin lang ako. I.lock niyo muna ang pinto baka pumasok si daniel dito, hindi narin magtatagal magigising na yun" tumango naman kami sa sinabi ni tita.

Paglabas ni tita ay ni-lock na namin ang pinto.

"Kailangan na talaga nating madaliin ang lahat kath, sa ginagawa mo, hindi nga napahamak si kuya pero nasasaktan parin siya. Hindi rin naman kita masisisi kong bakit ayaw mong sabihin kay kuya ang lahat, alam kong gagawa siya nang paraan para makatulong siya, pero wala siyang alam sa pakikipaglaban. Mas mabuti na siguro ang ganito." Tama si JC, kailangan na nga talaga naming tapusin to bago pa masaktan nang tuluyan si daniel.

Ilang araw palang pero nakikita ko na sa mukha niya na nasasaktan siya sa ginagawa ko.

Masisisi niyo ba ako ?

Kong ang gusto ko lang ay mapanatiling ligtas ang mahal ko ?

Isang disesyon ang namuo sa utak ko !

"Ohh anak suotin mo to" inabot sakin ang isang uniform nang isang maid. May kasama pang hospital mask.

Dali dali ko itong sinuot. Ipinatong ko lang sa damit ko.

Sinabi ni tita ang plano niya.

Kunwari daw isa ako sa mga maid nila na nahimatay sa kwarto ni JC habang naglilinis.

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon