Dj POV
Unang una magpapakilala muna ako.
DANIEL JOHN PADILLA,17,4TH YEAR HIGHSCHOOL,SC PRESIDENT, TOP 1 STUDENT,BOOK LOVER,MUSIC GEEK,GWAPO,GWAPO AT GWAPO. HAHA
Masyado bang boring ang life ko ?? Well siguro kay kathryn masyado akong boring. Lagi niya akong tinatawag na nerd, tsk nagbabasa lang nang libro nerd na??
Masyado din akong seryoso sa buhay,lumaki kasi ako na mataas ang expectation sakin ni mama,kay papa okey lang, siya pa ang nagsasabi sakin na enjoyin ko ang pagiging teenager ko,minsan lang kasi tayo dadaan sa pagiging teens,pero hindi ko magawa,lagi kasi akong pinapaalalahanan ni mama na 'study hard,enjoy later' kailangan ko daw munang tapusin ang pag'aaral ko bago ako mag'enjoy. Masunurin akong anak,kahit anu sinusunod ko,kahit nga siguro sabihin nilang tumalon ako sa building,tatalon ako eh. Haha
Kung minsan nga naiinggit ako kay jc at the same time naaawa din ako sa kanya. Naiinggit kasi siya nagagawa niya lahat nang gusto niya, nai'enjoy niya talaga ang pagiging teens niya. Naaawa kasi lagi siyang kinukompara sakin ni mama, buti nga at hindi siya galit sakin at solid parin ang pagiging magkapatid namin.
Si kathryn ?? Kilalang kilala ko siya simula nung bata palang kami,pero ako? Hindi niya kilala, simula grade 3 kaklase ko na siya noon, pero iba siya sa ngayon. Ang kathryn noon matalino dahil siya ang valedictorian nung elementary kami, ang dami niyang awards nung graduation namin,nandun siya pero hindi siya umakyat nang stage,3 beses tinawag ang pangalan niya pero tumakbo lang siya palabas nang school na umiiyak,mabait dahil wala siyang kaaway,lahat nang kaklase namin gusto siya,magalang dahil everytime na may makakasalubong siyang teacher ay binabati niya,maganda siya mahaba ang buhok at natural kahit hindi siya nag'aayos at laging naka'pony tale napakaganda parin niya lagi nga siyang muse sa klase namin eh,palangiti siya yong totoong ngiti,lahat nang makakasalubong niya ngingitian niya,at masayahin,mababaw lang ang kasiyahan niya, naalala ko pa nun makakain lang siya nang cheesecake sobrang saya na siya. Haist !
Pero kabaliktaran na siya nung simula nang mag firstyear highschool kami, nag'iba ang itsura niya,nagpagupit siya nang hangang balikat at may kulay pa ito dati kulay pula ang buhok niya pero nung magsimula ang 4th year naging golden brown na ang kulay nang buhok niya pero kulot parin. Nagsimula na siyang manigarilyo,uminum,making out that hurts me a lot,at lagi siya napapa'trouble, ilang beses naba siyang nabaril ? Ewan ko ba, kay jc ko lang nalalaman ang mga pinagagawa niya. Matalino parin siya,yun nga lang laging tulog sa classroom pero kapag may quiz lagi siyang perfect, kung maganda lang sana ang pinapakita niya sa values malamang siya na naman ang vale. Yun lang kasi ang mababa niyang grades eh. Minsan nga pumapasok yan nang amoy alak eh,wala naman magagawa ang mga teacher namin,isa kasi sa mga stockholder ang daddy niya eh.
Simula palang nung nakita ko siya gusto ko na talaga siya at habang tumatagala hindi nalang pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya alam kong palalim nang palalim lang ang nararamdaman ko, dalawa lang ang pinagsabihan ko nun, si jc at si julia baretto, bestfriend kasi sila noon eh,akala ko pagsinabi ko kay julia mapapalapit ako sa kanya pero mukhang napalayo pa ako sa kanya. Nagulat nalang ako nang bigla bigla silang nag'away at hangang ngay0n hindi parin sila nagkakasundo. Doon na umeksina si enrique,siya kasi ang naging night in shinning armor ni kathryn.
Mas lalo akong nasaktan sa tuwing magkasama sila, para bang pinapamukha nila sakin na masaya sila at may sariling mundo sila.
Pero nabuhayan ako nang loob nang umalis si enrique,pero bumagsak din ito. Huli na ang lahat, nagbago na siya,unang pasok palang niya may naka'away na agad siya, lahat takot sa kanya,even julia alam kong takot siya pero hindi niya lang pinapahalata.
Paanong hindi ako kilala ni kathryn sa kabila nang ilang taon naming magklasmeyt? Kasi masyado siyang nagfocus sa pag'aaral niya,by that way umaasa siyang mapapansin siya nang daddy niya. Nalaman ko lang nung napadaan ako sa bahay nila,nasa labas sila nang daddy,tinawag niya ito para ipakita ang mga awards niya masayang masaya pa nga siya nun eh,pero si tito gabby nagtuloy tuloy lang sa pagsakay sa kotse niya, naiwang umiiyak si kath sa labas nang bahay nila. Nagtaka ako kung bakit ganun ang nangyari kaya tinanong ko kay julia kung bakit. Yun pala ang nangyayari, gusto niyang maging proud ang daddy niya sa kanya kaya siya nag'aaral nang mabuti.
Ako ang nasasaktan kung bakit nangyayari to kay kath.
Naisip ko yun siguro ang dahilan kung bakit nagbago si kath. Masyado na siyang manhid at puro galit nalang ang nararamdaman sa puso niya.
Alam niyo bang masaya na ako ngayon dahil napapansin na niya ako, yun nga lang galit na galit siya sakin. Masyado daw akong pakialamero.
Kung minsan nga nagpapasalamat ako eh,dahil naging SC PRES ako,yun kasi ang dahilan kung bakit nakakalapit ako sa kanya eh. Hindi ko na nga nababantayan ang ibang students eh dahil sa kanya nalang nakatuon ang attention ko,bawat galaw niya binabantayan ko. Kahit alam kong sobrang naiirita na siya, okey lang mas natutuwa pa nga ako dahil ang cute cute nang facial expression niya eh. Haha
Nung time na pinarusahan siya para linisin ang buong student park nandun lang ako sa di kalayuan,kaya alam ko ang bu0ng nangyari,alam kong si julia ang nagsimula, masyado niyang ginagalit si kathryn, kaya kapag away nilang dalawang hanggat maaari hindi ako nangingialam pwera nalang kapag physical na doon na ako umaawat, nung time nga nun eh gusto ko nang sapakin si julia, nung makita ko na sinasabunutan niya kathryn gusto ko siyang sapakin,nagtempi lang ako dahil kahit papan0 babae parin si julia.
Nung florante at laura, natuwa ako nang mag'audition si kathryn,alam ko na agad na siya ang mapipili dahil magaling siya sa lahat nang bagay.
Kapag nakikita ko siyang may kahalikan,pakiramdam ko hindi na ako makahinga,sobrang sakit nang nararamdaman ko, lahat nalang ata nang makakasalubong niya hahalikan niya, kaya natanong ko sa sarili ko bakit ako hindi niya magawang halikan??
Nasagot ko ang katanungan ko nang nagtxt sakin si jc ang sabi niya 'kuya punta ka dito sa grand stand,andito ang mahal mo' dapat talaga uuwi kami nang maaga nun sabi kasi mama eh, sa unang pagkakataon sinuway ko ang utos ni mama. Nakita ko kung gan0 kagaling si kath sa car racing, ang sabi ni jc wala paraw nakakatalo kay kath. Nakita ko kong panu talunin ni kath ang kalaban niya,ang saya ko nga nun eh at proud pa,pero bigla akong nanghina nang halikan ni kath ang kalaban niya. Kaya tinan0ng ko siya kung 'lahat nalang ba nang makakasalubong mo hahalikan mo' nagulat ako sa sinagot niya 'hindi naman lahat,katulad mo ilang beses ko nang nakasalubong pero hindi kita hinahalikan, alam mo kung bakit? . . . . Ang isang tulad mo hindi ko kayang paglaruan' feeling ko namumula ako nang mga panahong yun, biglang huminto ang ikot nang mundo ko, ganun ang epekto sakin ni kath. Kaya kahit pagalitan ako ni mama sumama ako sa basement nila, and worst uminum pa ako. Hindi naman talaga ako lasing nun,planado namin nila jc yun pati nga mga kaibigan niya eh,hindi naman talaga naiwan ni jon ang susi,sadyang planado lang ang lahat. Kahit hindi ko daw aminin alam nilang may nararamdaman ako para kay kath, at yong palaging pagsita ko sa mga kinikilos niya, alam nilang nagpapapansin lang ako kay kath. Ganun ba ako ka'obvious? Na pati sila napapansin ? Si kath lang ata ang hindi nakakapansin eh.
Kagabi nang makita kong duguan si kath,sobra akong nanghina, at sinisi ko ang sarili ko dahil wala akong nagawa, feeling ko wala akong kwentang tao, hindi ko manlang naprotektahan ang taong mahal ko. Napaka'duwag ko talaga kahit kailan.
At isa pang kaduwagan dahil hindi ko manlang nagawang pigilan ang plano nila kath na paghigantihan ang taong nakabaril sa kanya. Kaya nung gabing yun hindi ako makatulog, sobra akong natatakot para kay kath. Ang dami kong iniisip,na baka mabaril siya ulit, at baka pagnangyari yun mapurohan na siya. Sobra akong kinakabahan sa mga oras na yun.
Kaya nung dumating sila,pagkita ko sa kanya yinakap ko agad siya,wala akong pakialam kung magalit siya,basta mayakap ko lang siya okey na ako. At sa mga oras na yun nakangiti akong nakatulog.
Isa lang ang narealize ko nung yinakap ko siya,kahit maging sinu o anu pa si kathryn,
Siya parin ang taong mahal ko,siya parin ang firstlove ko. Mahal ko siya maging sino paman siya.
-
Yow yow yow !