-Feel complete
"A-anong sabi mo?" Tila hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit naman niya gagawin yun? Eh, alam ko naman na lubog na sa utang ang kompanya ni Papa. Dahil simula nang mamatay si Julia ay iniwan na siya sa ire ni Mr. Baretto. Pinull-out niya ang lahat nang investment sa kompanya ni Papa kaya nga nalubog sa utang si Papa eh.
"Ibabalik ko na ang Kompanya ng Papa mo. Alam ko namang mas mapapatakbo niya yun nang maayos kesa sakin. At isa pa, napaka-busy ko nang tao. Actually isa sa mga rason ko kong bakit binili ko ang kompanya niyo dahil kay JC, kaso ayaw naman niyang tanggapin kaya ibabalik ko nalang" mas malumanay na ang kanyang pananalita ngayon.
Napakaswerte talaga nila JC kay Kath. Dati palang, sila na palagi ang iniintindi ni Kath. Mas inuuna pa nga niya ang iba kesa sa sarili niya.
"Maniwala ka. Nag-aalala din si JC sa kalagayan nang Papa mo pero natatakot siya kaya hindi siya nagpupunta." Dugtong pa niya sa sinabi niya.
Gusto ko pa sanang pag-usapan ang tungkol samin pero hindi na muna ako nagtanong. Okey na yong ganito muna kami. Ayoko siyang biglain na ikagalit na naman niya.
Alam ko naman dahil kay Candice kong bakit niya ibinabalik ang Kompanya ni Papa.
Ayaw na niyang magulo ang buhay niya at nang pamilya niya.
Nakikita ko rin kong gaano niya kamahal ang mga anak niya.
Hahayaan ko nalang siya doon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. 5am siguro. Naisipan ko munang umuwi para makapagpalit nang damit. Para narin kumuha nang panglaro nang basketball.
Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Kiel.
"Dad? Where are you going?" Tanong niya sakin.
Anu bang sasabihin ko? Na pupunta ako kina kath? At makikipaglaro nang basketball? Samantalang siya ay iiwan ko dito? Parang ang sama naman pakinggan.
Nagpasya akong isama siya. Okey naman siguro kong isasama ko siya. Labas naman na si Kiel sa gulo namin.
"Dad? San tayo pupunta?" Usisa niya ulit.
"Remember kuya bugoy? He wan'ts to play basketball with me, kaya sa kanila tayo pupunta" tuwang tuwa naman siya nang malaman niyang makakapaglaro siyang muli nang basketball. Matagal tagal narin mula nang makipaglaro ako sankanya nang basketball. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na nakakalaro madalas si Kiel buti nga at hindi ito nagtatampo.
Nang makarating kami sa bahay nila kath ay bumusina ako para makapasok ang kotse ko sa loob.
"Wow Dad, ang ganda nang bahay nila kuya bugoy" puri niya.
Namamangha talaga siya. Yong bahay din naman kasi namin sa states ay parang apartment lang at dito sa pilipinas ay sa condo lang kami nakatira.
Gusto nga niyang kina mama na kami tumira para mas malawak daw ang mapaglaruan niya. Ayaw ko lang. Pero tingin ko this time? Pwede na'
"Tay, kanina kapa hinihintay ni Candice. Ayaw kumain" pahayag ni bugoy.
"Uyy Kiel kasama ka pala. Halika ipapakilala kita kay Xyrel at candice" kinuha niya ang kamay ni Kiel.
Nauna silang maglakad kaya sumunod nalang ako sa kanila.
Nakita ko si Kath na pinagmamasdan si Kiel.
"Ahh... Hi. Sorry dinala ko siya dito. Gusto kasing sumama" nahihiya kong sabi at the same time may pag-aalinlangan.
"Ahh okey lang, so? May anak na pala kayo ni Julia no? So, nasan siya?" Tanong niya pero ang mata niya ay nasa mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/27816106-288-k613781.jpg)