Author's POV"Anong ginagawa mo dito ?" Tamad na tanong ni kathryn.
Agad namang nanigas si daniel nang marinig niya ang boses nang taong mahal.
Hindi siya makapagsalita.
Sa isip isip niya ay hinanda niya ang sarili niya bago siya pumunta dito.
Biro bakit wala ni isang salita ang lumalabas dito.
"Anu na?! Marami pa akong gagawin?!" Marami pa nga siyang gagawin dahil pupuntahan niya ang bar na pinapatayo niya.
Ayun sa interior designer niya ay ngayon na matatapos ang pag aayos.
Sakto umabot ito sa target niya.
Nextweek na ang kanyang birthday.
"Uhm. . . Ahh. . . Bukas na kasi yong deadline nang project. . . Baka pweding gawin na natin" paputol putol niyang sabi.
Gustong magmura ni kathryn kay daniel pero hindi niya magawa. Parang may pumipigil sa kanya.
Ilang araw na niya itong naoobserbahan na sa tuwing makikita at magkakalapit sila ni daniel ay iba ang nararamdaman niya. May mga times pa na gusto niya itong yakapin.
"Fine ! Antayin mo ako dito sa baba, mag aayos lang ako" hindi maintindihan ni kathryn ang sarili niya. Bakit ba hindi siya makatanggi kay daniel.
Nakaramdam naman si daniel nang tuwa.
Ang akala niya ay tatanggihan na naman siya ni kathryn.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni kath nang makababa siya.
Hindi na naman makapagsalita si daniel nang makita niya si kathryn.
Tila na.starstruck siya sa suot nang dalaga.
Nakasuot kasi ito nang high waisted black short, white crop top na dahilan para makita ang abs niya, at pinatungan niya ito nang cardigan na black.
"Hoy ! Tanga ka ba ? Ayy hindi tanga ka talaga . . ." Inis na sabi ni kathryn.
Tumikhim nalang si daniel.
"W-wala kasi akong alam na magandang lugar na pwede nating gawan nang reaction paper" nahihiyang sabi ni daniel. Totoo naman kasi. Si kathryn lang ang bukod tanging nakapagpapayag sa kanya na magpunta sa mga lugar dati.
Napairap naman si kathryn.
Naturingang matalino boring naman nang life.
Yan ang nasa isip ni kathryn.
"Akala ko naman pupunta ka dito may plano kana. Yun pala nganga ! " naiinis na sabi niya.
May importante dapat siyang pupuntahan pero nandito siya kasama ang taong kinaiinisan niya.
"Tara na ! Sayang oras. Wala akong ibang maisip na lugar kaya kong saan nalang tayo mapadpad" kalmadong sabi ni kathryn.
Ang Ford everest ni kathryn ang ginamit nilang sasakyan.
Sa totoo lang may lugar na siyang naisip.
Gusto niya rin makalanghap nang sariwang hangin kaya gusto niyang puntahan ang lugar na yun.
"K-kumain kana ba?" Naiilang na tanong ni daniel.
"Di pa" tipid na sagot ni kathryn.
Bigla namang napatawa si kathryn nang marinig niyang nag aalburuto na ang tiyan ni daniel.
Bigla namang nahiya si daniel at napahawak na lamang sa tiyan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/27816106-288-k613781.jpg)