Chapter 45

3.9K 74 4
                                    

II- Ang sakit parin pala, akala ko kaya ko na...

Pagkatapos kong makompirma kong siya nga ba talaga yan ay agad akong tumakbo papasok sa opisina ko.

Sinabihan ko si Sarah na tatawagan nalang siya kapag okey na.

Hanggang ngayon nanginginig parin ang katawan ko.

Nang makaalis siya sa kompanya ko ay agad din akong umalis.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta, pero sa huli sa Rebel din ang bagsak ko.

Hindi pa bukas ang Rebel dahil maaga pa pero alam kong nandito sina Jace para asikasohin ang mga kakailanganin nang Rebel.

"Kath? Ikaw ba yan?"

Lumapit ako sa kanya at yumakap.

Bigla naman nagsipatakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko kaya mas lalo akong napaiyak.

Walang nagsasalita saamin, nanatili lang kami sa ganong posisyon.

Nang makita ko siya, bumalik sakin ang lahat.

Yong sakit na naramdaman ko dati na akala ko wala na.

Ang tagal kong inihanda ang sarili ko para kapag nagkita kaming muli hindi na ako yong Kathryn na hinahabol at nagmamakaawa sa kanya.

Pero akala ko lang ang lahat.

Dahil nang makita ko siya kanina, biglang nadurog na naman ang puso ko.

"Anu bang nangyari?"

Malumanay na tanong ni Jace sakin at inabutan ako nang tubig.
Nasa loob na kami nang opisina niya.

"N-nakita ko siya Jace..."

"Ha? Sino?"

"S-si Daniel..."

Nakita ko ang pag-iba nang reaksyon nang mukha niya.

Galit! Yun ang nakita kong rumihistro sa kanya.

"Anu? Sinaktan kaba niya? Anong ginawa niya sayo?"

Bigla na naman tumulo ang mga luha ko na kay tagal ko ding hindi nailabas.

"Sana nga Jace sinaktan niya nalang ako eh. Pero wala pa siyang ginagawa, nasasaktan na ako.."

Napapailing nalang ako.

Hanggang ngayon malaki parin ang epekto niya sakin.

Naiinis ako sa sarili ko.

Ang tapang tapang ko sa ibang bagay pero kapag siya ang kaharap ko nanghihina ako.

Bakit?

Bakit kailangan niyang bumalik?

Ngayon pa na okey na ako?

Ngayon pa na buo na ang pagkatao ko.

Buo na nga ba?

O nagpapanggap na naman akong buo kahit ang totoo ay hindi pa.




"Nag-apply siya sa K. B co. Bilang architect..."


Mahina kong sabi pero alam kong dinig yun ni JC.

"Tangina! Nananadya ba talaga siya? Alam naman niyang ikaw ang may ari nun pero bakit doon siya nag-apply? Talaga bang gusto niyang patunayan na gago siya?!"


Bakas sa boses at mukha ni Jace ang galit.

Hindi ko siya masisisi kong bakit siya nagagalit sa sarili niyang kapatid.

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon