Chapter 47

4.2K 82 2
                                    



II- unexpected

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang magtrabaho sa kompanya ko si Daniel.

At dalawang linggo narin nang palagi akong nasa labas nang kompanya ako nagtatrabaho.

Kong hindi sa bahay ay iniikot ko ang mga proyekto nang kompanya ko.

Ginawa kong busy ang sarili ko nang sa gayon ay makalimutan kong sa akin siya nagtatrabaho.

Pero hindi parin ako nagsa-succed.

Dahil kahit na pagod na ako, pagpipikit nang mata ko ay siya parin ang nakikita ko.

Nong isang linggo lang muntikan na kaming magkita.

Hindi ko alam na pupunta siya sa kompanya kaya nagpunta ako dun dahil may meeting ako sa mga investors ko.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ko siya sa basement na kakababa lang nang sasakyan niya.

Kaya ang ginawa ko, imbes sa main door ako dumain, sa likod ako dumaan.

Hindi biro ang umakyat nang hagdan lalo nat sa 17th floor pa ang opisina mo.

Pagdating ko sa conference room hingal na hingal ako at pawis na pawis.

Nagulat din yong mga taong nasa loob kong bakit ang hitsura ko.

Para akong ginahasa nang isang basketball team! Yuck.

Kaya simula nun hindi na muna ako nagpupunta sa Kompanya.

Mas mabuti nang dito nalang ako sa bahay magtrabaho kesa ang makita siya.

"Sabi na nga bat nandito ka"

Napahawak nalang ako sa dibdib sa sobrang gulat.

Sinamaan ko siya nang tingin.

Hindi ba siya marunong kumatok?

"Hehe sorry naman! Nagpunta kasi ako sa opisina mo wala ka dun, sabi ni sarah dito kana daw nag-oopisina, kelan pa?"

Nahiga siya sa couch ko. Feel at home!

"What do you need?"

Mataray na sabi ko.

"Hoy katreng, wag mo nga akong mataray tarayan diyan! May utang kapang kwento sakin. Kong hindi pa sinabi ni Jc sakin kagabi hindi ko pa malalaman"

Sigaw niya.

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"So nagkita na kayo?"

"What?! No!"

Sigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang pagngisi niya.

"Bat ganyan ka maka-react? Tinatanong lang kita kong nagkita na kayo..."

Bumalik siya sa pagkakahiga sa couch.

"Kung sabagay, alam ko namang hindi mo tatanggapin yun ehh!"

Dugtong pa niya sa sinabi niya.

"Tinanggap ko siya"

Maikli kong sagot na nagpatayo sa kanya.

"What?! Nahihibang kana ba kath? Bakit mo siya tinanggap paano kung----"

I cut her off.

"Look juls, wala akong choice. Nakita ni Mrs. Villar yong ginawa niyang design, hindi na ako nakapalag dahil gusto siyang makita ni Mrs. Villar"

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon