Chapter 53

4.3K 81 1
                                    

- past

Her POV

8 years ago nagising ako na wala na akong katabi. Kong hindi pa sunod sunod ang tunog nang Cellphone ko nun ay hindi pa ako magigising.

Bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari saamin ni Daniel kagabi. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari dahil alam kong mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.

But then tumawag ulit si Julia. Sinabi niya sakin na nasa Airport sila dahil sinusundan nila si JC dahil balak nilang patayin si Daniel sa gagawing pag-iwan sakin.

Kaya nagmadali akong pumunta sa airport. Naka-long gown ngunit naka-paa.

Wala na akong pakialam sa sasabihin nang nga tao. Ang mahalaga ay maabutan ko ang taong pinakamamahal ko.

Alam niyo ba yong feeling na magmakaawa? Para lang hindi ka maiwan? Ganun ang ginawa ko. Linunok ko lahat nang pride ko. Nagmakaawa ako, nagbabakasakaling balikan niya ako.

Pero hindi..

Mas pinili niyang sumama sa iba kesa ang makasama ako.

Alam niyo ba kong gaano kasakit yun?

Sobrang sakit. To the point na ayaw ko nang mabuhay.

Araw-araw gabi-gabi nasa Rebel lang ako. Nag-iinum hanggang sa makatulog ako. At paggising ko iinum na naman. Hanggang sa makatulog ako ulit.

Paulit-ulit na ginagawa ko. Kasi alam niyo kong bakit? Tuwing hindi ako umiinum, nararamdaman ko yong sakit na dinulot ni Daniel.

Hiniling ko pa nun sa mga kaibigan ko na patayin na nila ako.

Kitang kita ko ang mga awa nila saakin tuwing iiyak ako. Tuwing sasaktan ko ang sarili ko. Tuwing maiisipan kong tapusin ang buhay ko.

Then...

Graduation nang highschool, wala akong balak umattend. Pero ang nga kaibigan ko sadyang makukulit dahil kinaladkad ako papuntang school.

Masaya sana...

Alam niyo kong bakit? First time ni Daddy umattend nang graduation ko. First time niya akong sabitan nang medalya! Kahit with honors lang ako, atleast nandiyan siya..

Hindi ako nakaramdam nang saya. Mas naramdaman ko ang sakit nang marinig ko ang pagtawag nang Pangalan niya bilang isang Valedictorian ng batch namin.

Days passed by.

In-enroll ako nang mga kaibigan ko sa isang University at Business ang course ko. Pero kahit kailan hindi pinasukan ang mga subjects ko.

You know what's cliche' ? Lumalaki ang tiyan ko nang hindi ko alam kong bakit.

I mean wala akong ibang nararamdaman na kahit anu. Maliban nalang sa madalas kong pagtulog at kong minsan ay nagsusuka ako na akala ko ay dahil lang sa alak.

Madalas din akong mahilo at maghanap nang kakaibang pagkain.

One time nasa Rebel ako at lango lango sa alak nang tawagan ako na nandon daw si Daddy sa Hospital, nagkaroon nang Heart attack. Kaya dali dali akong nagmaneho papuntang Hospital.

Naabutan ko ang mga kaibigan ko na nag-aabang sa ER.

Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo.

Nang magsalita si Julia.

"K-khe, m-may d-dugo" sabay turo niya sa mga legs ko.

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon