Hi guys !
Its me again hahaha
Nag.aupdate ako since wala naman akong ginagawang importante.
Tsaka masama loob ko kaya isusulat ko nalang. Hahahaha
Thanks for reading !
Be the first to vote !
Someone's POV
Sapilitang dinala si kathryn sa isang abandonadong bodega at itinali patalikod ang magkabilang kamay.
Hindi parin siya nagigising mula sa pagkakatulog dahil sa gamot na ipinaamoy sa kanya nang mga tauhan ni Jake.
Tila nahihibang na nga ang binata !
Sa isip nito ay wala na siyang balak buhayin ang dalaga dahil sa sinapit nito sa kanya.
Galit at pagkamuhi ang nararamdaman nang binata sa dalaga dahil sa ginawa nang dalaga ay kailanman ay hindi na siya pweding magkaanak.
Unti unting minulat ni kathryn ang mata niya.
Gusto niya sanang gumalaw ngunit hindi pwede dahil nakatali ang dalawa niyang kamay sa inuupuan niyang silya.
TAKOT !
Yan ang unang pumasok sa isip ni Kathryn.
Kong noon ay okey lang sa kanya ang mamatay, ngayon ay hindi na.
Iniisip pa lamang niya na maiiwan ang ama niya ay hindi niya na kaya lalong lalo na si daniel.
Hindi niya kayang iwan si daniel lalo na sa sitwasyon nila ngayon.
"Mabuti naman at nagising na ang Rebel Princess" nakangising sabi ni Jake na prenteng nakaupo sa isang swivel chair.
Tila nagpanting ang tenga ni kathryn nang marinig niya ang boses nang binata.
Kong kaya lang pumatay nang isip ay malamang patay na ito sa kanyang isip.
"HAYOP KA ! DUWAG ! BAKIT HINDI MO KO LABANAN NANG PATAS !?" Halos maputol na ang ugat ni kathryn sa leeg sa pagsigaw niya.
Napahalakhak naman si jake sa sinabi nang dalaga at mabilis itong tumayo.
Magkakambal na sampal ang ibinigay nito kay kathryn, sa lakad nang impak ay bumakat dito ang palad nang binata.
Tila walang naramdaman ang dalaga sa ginawa ni jake.
"Yan lang ba ang kayang mong gawin? Ang manakit nang babae ? Ha ?! Ako lang ba ang kaya mong saktan ?! Isa kang duwag !!! Bakit hindi mo nalang tanggapin ang pagkatalo mo ?! Kasalanan ko ba kong mas magaling ako sayo ?! Wala kang------AAAHHHH!!!!"
Halos mamilipit si kathryn sa ginawa nang binata.
Isang malakas na suntok ang natamo ni kathryn sa sikmura kaya hindi ito makahinga nang maayos.Hinawakan ni Jake nang mahigpit ang mukha nito.
"Hindi ka babae bernardo !!!! Isa kang demonyo... Sinira mo ang buhay ko ... Sinira mo ang pangarap nang tatay ko para sakin... Alam mo bang nang dahil sayo ay hindi na ako pupweding magkaanak !" Tila nang gigil na sabi ni jake na tumutunog ang ngipin habang nagsasalita.
Napangisi lamang ang dalaga sa sinabi niya.
"Wala akong pakialam!!! Dapat lang yan sayo !!! Nangangarap kapang magkaanak ?! Huh ?! Hindi bagay magkaanak ang isang demonyong katulad mo" nang uusig na ani ni kathryn.
![](https://img.wattpad.com/cover/27816106-288-k613781.jpg)