Her POV
"Kamusta siya?"
"Yong totoo ? Hindi siya okey" sagot ni miles sakin.
"Palagi ka niyang hinahanap saamin. Hindi na namin alam kong anu pang idadahilan namin sa kanya. Kasi pati yang phone mo hindi niya macontact. Pero kailangan mong magsakripisyo kong ayaw mong madamay siya" ingrid.
"Si Jake at ang mga tauhan niya laging nakaabang sa school natin. Parang may hinahanap na ewan. Kahit kami nagtatago narin dahil alam naming tatanungin niya din kami kong nasan ka" julia.
"Nakakatakot na to Khe, hindi na to simpleng away lang" miles.
Napabuntong hininga ako.
Damn !
Hindi ko na talaga kaya to.
Limang araw palang kaming hindi nagkikita pero parang isang taon na !
Namimiss ko na siya sobra.
Tumayo ako at kinuha ko ang car keys ko.
"Khe, san ka pupunta ?" Sabay hawak sakin ni Julia sa mga braso ko.
"Khe, hindi ka pweding magpakita sa ngayon. Pinaghahanap kana ni Vargas" nag aalalang sabi ni julia sakin.
Napapikit muna ako bago tanggalin ang kamay niya sa braso ko.
"Please, ngayon lang. Payagan niyo na ako" pagmamakaawa ko sa kanila.
"Pangako mag iingat ako. Hindi ako magpapakita sa kanya. Gusto ko lang siyang makita kahit saglit lang" pagmamakaawa ko parin.
Nagtinginan naman silang tatlo.
Nasaan ba kami?
Nandito kami sa isang hidout namin, malayo sa pahamak.
Yong gabing umalis si padills sa bahay ay yun din ang alis namin.
Actually, buong araw ding nakatambay sila JC sa bahay hindi lang sila nagpakita.
Pinaharurot ko na ang sasakyan ko patungo sa bahay nila daniel.
Anong oras na ba?!
12mn na, baka tulog na yun.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si JC.
"Hello kath" bungad niya.
"Shh, wag mong banggitin ang pangalan ko baka marinig ka niya" suway ko sa kanya.
"Sorry, tsaka hindi niya naman maririnig e, bukod sa tulog na siya at soundproof itong kwarto ko" nakahinga naman ako nang maluwag.
Nag aalinlangan ako kong sasabihin ko ba to sa kanya.
Huminga muna ako nang malalim.
"P-pwede ba akong pumasok diyan? Gusto ko lang siyang makita. Hindi naman ako magtatagal" nahihiya kong sabi.
Gusto ko lang talagang maramdaman si padills ngayon.
"Pwede naman kath, kaso sa loob nang bahay namin may CCTV camera, baka makita ka ni Papa. Alam mo namang may problema ang daddy mo at si papa ngayon" sabi niya.
Isa pa to !
Nagkaaway kasi si Daddy tsaka si tito rommel.
Nagalit sa kanya si daddy dahil binawi lahat nang shares niya sa kompanya namin at nakipagpartnership sa ibang company.