Kath POV
DEC.10.2***
3 days na ang nakalipas simula nang pag.uusap namin ni padilla.
Alam ko masyado akong naging rude sa kanya pero mas mabuti na yun.
Mas mabuti nang wala akong pagsisihan. Ayokong dumating na naman sa punto na mapapamahal na naman ako tapos isang iglap lang mawawala lang ang lahat na parang bula.
Isa pang dahilan kong bakit ayaw kong mapalapit sa kanya dahil yun kay julia. Kahit papano mahal ko parin ang babaeng yun, marami din kaming pinagsamahan, ewan ko lang kong bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya sakin. At masakit para sakin na lagi nalang kaming nag.aaway. Hindi bato ang puso ko, hindi rin ako pinaglihi sa anesthesia, at lalong lalo nang hindi ako manhid. Ramdam ko k0ng anu ang nararamdaman ni julia. Ramdam ko kung bakit siya nagkakaganyan.
Matagal ko nang alam na may gusto siya kay padilla. Halata naman na trying hard siyang magpapansin kahit hindi siya pinapansin ni padills.
Ewan ko ba sa unggoy na yun. Ayaw na ayaw niya sa mga babae pero siya lapit nang lapit sakin. Masyado na ata siyang nasanay na ako nalang lagi ang napapansin niya. Bigla nalang ako nakaramdam nang kilig sa iniisip ko. Pero agad nawala ang kilig ko nang maalala kong "oo nga pala, napapansin niya ako dahil ako lang naman ang kaisa isang babae dito sa school na laging lumalabag sa rules niya".
Teka bat ko ba to iniisip. Tss
3 days nadin nang huli ko siyang nakita. After kasi nong araw na yun pag uwi ko sa basement wala na sila ni jc, ang sabi nang mga bata umuwi nadaw sila, mugto pa nga ang mga mata nila nang madatnan ko sila, napalapit na talaga sila kay padills, at tatay pa ang tawag nila tss. Apart of me nalungkot, dahil hindi manlang sila nagpaalam sakin. Pero nakaramdam din ako nang saya dahil wala na si padilla sa basement.
Nagsimula kasi akong ma.awkward simula nang yakapin niya ako nong gabing umalis kami nila jc. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sakin. Hanggat sa maari kailangan kong umiwas sa kanya. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ganitong feelings. Kaya kong anu man to, hindi ko hahayaang lumala pa.
Andito ako ngayon sa classroom. Wala pa ang teacher namin kaya ang ingay ingay nang mga classmate ko.
Karen: julia, alam mo ba kong kelan papasok si pres ?
Agad akong napalingon kay reyes na isa sa mga pet ni julia.
Julia: oo naman. Actually tumawag siya sakin and sabi niya papasok na siya ngayon. On the way nadaw siya.
May kong anu akong nararamdaman sa bandang dibdib ko. Bigla atang kumirot. Sht ! May sakit naba ako sa puso ? Haist kailangan ko nang magpachech up baka mamaya mamamatay na pala ako. Okey ako na ang OA.
Biglang may pumasok sa classroom namin. Ang pogi niya , matangkad , matangos ang ilong, sakto lang ang kulay nang kutis niya , ang ganda rin nang mata niya kahit may eye bags, nakataas ang buhok niya na parang punong puno nang wax. Siga kong maglakad. Basta ang perfect niya.
Biglang nagtilian ang mga kaklase ko.
Julia: there you are, daniel bakit ngayon ka lang ?
Tanong ni julia.
Daniel pala ang pangalan niya.
Teka isa lang naman ang may pangalan na daniel sa mga kaklase ko ahh , si padills yun
![](https://img.wattpad.com/cover/27816106-288-k613781.jpg)