His POV"Tatay yong uniform ko"
"Tatay yong medyas ko"
"Tatay, yong mga libro ko"
"Tatay yong Projects ko"
"Tatay yong baon ko"
Mamamia hindi ko alam ang uunahin ko.
Jusko paano?! Nahihilo na ako pabalik balik."Teka mga anak isa-isa lang. Mahina ang kalaban"
Kinuha ko lahat nang mga kailangan nila at binigy sa kanila isa-isa.
"Hon, may nakita kabang Folder sa side table?"
Isa pa tong dumadagdag. Kong saan saan kasi nilalapag ang mga papelis niya. Sa totoo lang hindi sa side table nakita yong folder kundi sa Banyo.
"Ah yes Hon, nilagay ko sa Drawer nakita ko kasi sa BANYO"
Kunot noo niya akong tiningnan.
Tinaasan ko lang siya nang Kilay.
"Oh mga anak, kailangan pagdating ko mamaya kompleto na kayo ha. Baka naman mamaya may kulang na naman sa inyo"
Kahapon lang. Itong binata ko hinintay nang mga kapatid niya. Paano may nililigawan na pala ito. Aba, ang bata bata pa ehh'
"Yes tatay. Bye"
Isa isa silang nag kiss sakin.
Pagkaalis ko ay dumerecho ako sa Kompanya ni Kath.
Kanya kanyang bati sakin ang mga nagtatrabaho doon.
Panay ngiti lang naman ako.
"Sofie!!! Asan na yong pinapahanap ko sayo?!"
Teka bat sumisigaw si Kath?!
"Sofie? What's wrong?"
Maluha luha na si Sofie habang aligaga sa paghahanap nang kung anu man yun.
"Eh kasi Sir, si Miss kanina pa po Badtrip. Kanina pa po yan sumisigaw"
Nong umalis naman siya kanina ay hindi naman badtrip yun.
"Sir kayo nalang po magbigay nito Kay Miss."
Nanginginig niyang inabot sakin yong folder.
"Sige na, magbreak kana muna. Ako nang bahala dito"
Tumango naman siya.
"Sof----Hon, what are you doing here?"
Lumapit ako sa kanya para halikan siya nang mabilis sa labi.
"Wala naman. Bakit mainit na naman ang ulo mo?"
Inilapag ko ang hawak kong folder na bigay ni Sofie.
"Wala wala. Ang dami kasing nawawalang papers eh. Anyway okey na ako, nandito kana"
Saka siya ngumiti sakin nang matamis.
"Ikaw talaga' tinakot mo yong Secretary mo. Muntik nang maihi kanina si Sofie" natatawa kong sabi sa kanya.
"Haha sira' sanay na yun sakin" natatawa rin niyang sabi.
Buong araw ginugol ko ang oras ko kay Kathryn. Naging Instant Driver din niya ako sa pagpunta sa mga Site.
Sinadya ko talaga to para matapos agad ang gagawin niya at makasama siya sakin sa pagsundo sa mga bata.