Chapter 46

3.9K 67 0
                                    

II- todo iwas!


"Ms. K, nasa waiting area po si Mrs. Villar! Papasokin ko po ba?"



Tumango lang ako.

Bago makaalis si Sarah ay tinawag ko siya.


"Wala pabang bagong application for Architect?"


"Wala pa po Ms. K, si Mr. Padilla ho?"



"A-ahh, pag-aaralan ko muna yong Resume niya..."


Nagpaalam na siyang lalabas na.

Wala pang isang minuto nang pumasok si Mrs. Villar.



"Hindi naman siguro kita naisturbo iha?"


Tumayo ako para salubungin siya.

Ngumiti ako at nagbeso sa kanya.


"Hindi naman Madam... Have a set"

"Pasensya kana iha ha, hindi kasi ako mapakali. Gusto ko talagang present ako habang ginagawa yong Museum ko. Pati nga asawa ko ay nagagalit na sa kakulitan ko..."


Bakas sa mukha niya ang pagka-excite.

Napabuntong hininga ako.

Wala pa nga akong mahanap na architect para sa museum niya.


"O-okey lang ho Madam. I understand"

Ngumiti ulit ako but this time pilit na.

"Anu yang nasa lamesa mo? Yan ba yong magiging design nang Museum ko?"

Agad naman niyang kinuha.

Bago nga pala siya pumasok pinag-aaralan ko itong gawa niya.


"Hindi nga nagkamali ang asawa ko sa pagpili sa kompanya mo. Napakagaling nang gumawa nito. Ganitong ganito ang gusto ko. Sino ang gumawa nito iha?"


Biglang may bumara sa lalamunan ko.

Parang hindi ko ata kayang banggitin ang pangalan niya.



"Architect Padilla po Madam"

Labas sa ilong kong sabi.


"Gusto ko siyang ma'meet iha"


Magiliw niyang sabi.



"A-ahh, Madam hindi pa kasi siya dito nagtatrabaho. Nag-aapply palang po siya----"


"Bakit naman? Naku iha, ito talaga ang gusto ko! Maaari mo ba siyang tawagan?"



Napahinga ako nang malalim.

Tinawagan ko da telepono si Sarah at agad naman siyang pumasok sa opisina ko.



"Sarah, pakitawagan naman si Architect Padilla. Itanong mo kong anu ang available day niya?"


"Yes Miss."



---xXx---



"Ms. K, okey daw po siya anytime. Malapit lang daw po ang condo niya dito"


Condo? Eh diba may bahay sila?

Teka bat ba yun ang iniisip ko?



"Great, pwede ba siya nang lunch? I can wait. Sorry, im just excited."


Talaga bang hindi ko na mapipigilan ang pagkikita naming dalawa?

Kailangan kong magkaroon nang idadahilan para hindi ako makasama sa lunch meeting na to.

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon