Daniel POV
"MERRY CHRISTMAS"
Sigaw nina mama,papa at nang mga maids. Si jc, hindi niyo maaasahan na nandito yan tuwing pasko, laging kasama nun ay barkada niya.
Ako ?
Wala akong gana !
Ngayon lang ako hindi nag.enjoy sa pasko.
Ilang araw na akong walang ganang kumain at walang tulog.
Feeling ko nga mas malaki na eyebags ko kesa sa mata ko eh.
Anak, bat hindi ka kumakain ? Tanong ni papa. Buti nga at nandito si papa ngayong pasko, last year kasi wala nasa ibang bansa.
Mamaya nalang pa. Sagot ko at umalis muna sa hapagkainan.
Nandito ako sa garden, nagpapahangin lang.
Masyado nang pagod ang isip ko kakaisip kong bakit magkasama si kath at enrique, parang nung isang araw lang galit na galit siya kay enrique, tapos ngayon malalaman ko nalang na magkasama na sila.
Anu ba talaga ako para kay kathryn ?
Parehas ba talaga kami nang nararamdaman o ako lang ang nag.aasume ?
Itsapwera na naman ba ako ngayong okey na sila ni enrique ?
Ang dami kong katanungan na hindi ko mahanap ang sagot.
Napabuntong hininga nalang ako.
Anak, ito oh kumain ka. Ilang araw kanang ganyan ah. Ang laki na nang pinayat mo. Sabi ni mama habang may dalang pagkain. Halata sa kanya ang pag.aalala.
Busog pa ako ma. Sabi ko kay mama.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni mama kaya napatingin ako sa kanya.
Do you really love her ? Nabigla ako sa tanong ni mama.
Simula nang pinagbawalan kitang kausapin at lapitan si kathryn lagi kana lang walang gana, . . . pati tayo lagi nalang nag.aaway. . . hindi ko na ata kakayanin kapag nawalan pa ako nang isang anak. Sabi ni mama. Kaya nagulat ako. Bakit may isa pa ba siyang anak maliban samin ni jc?!!
Mali yang iniisip mo. . . si jc ang tinutukoy ko. . . katulad mo, matalino din yan si jc, elementary palang alam kong magaling na siya. Lagi siyang pinupuri noon, dahil magling siya sa lahat. . .. Nagbago lang nong nagsimula na siyang mag.aral nang highschool, well siguro hindi ko lang matanggap na maagang nainlove ang kapatid mo, for pete sake first year highschool palang siya noon kaya gumawa akong paraan, kinausap ko yong magulang nong babae, nong malaman nila, pinaalis nila ito at doon na pinag.aral sa ibang bansa, and rest is history. . . . nalaman ito ni jc kaya, galit na galit siya sakin at hanggang ngayon hindi parin niya ako napapatawad. Biglang may tumulong luha sa mga mata ni mama. To be honest, nashock ako sa mga nalaman ko. Iisang bahay lang kami pero wala akong alam sa nangyari.
Kaya pala naging ganyan si jc, sabay kasi kami nun nag.aaral sa library ee, kaya nagulat nalang ako isang araw, ayaw nang mag.aral ni jc, at naging rebelde na siya.
Anak, kong si kathryn talaga ang magpapasaya sayo, hindi na kita pipigilan, ayokong pati ikaw magalit din sakin. . . nasobrahan siguro ang pagiging protective kaya hindi ko naisip na masasaktan kita sa ginawa ko. . . . im sorry anak. Nakikita ko Sa mga mata ni mama na nasasaktan din siya sa ginagawa ko sa sarili ko.
Hindi mo naman kailangan magsorry ma ee, naiintindihan naman kita kong bakit mo ginagawa to, prenoprotekhan mo lang ako. Sorry din ma kong nagtampo ako sayo. Ngumiti si mama sakin at yinakap ako.