II- his side
It's been 8 years!
Sa walong taon na nagdaan marami ang nangyari. Lalo na sa buhay ko.
After two years nang makarating kami sa America ay nagpakasal kami ni Julia.
Hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya, dahil siya ang sinisisi ko kong bakit sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko.
Sa kabila nang trato ko sa kanya ay naging mabuting asawa siya sakin, ginawa niya ang lahat para lang mahalin ko siya.
Kahit sarili niya ay napapabayaan na niya dahil sakin.
Pero hinding hindi ko yun nakita.
Isa lang naman ang nakikita nang puso at mata ko. Walang iba kundi si Kathryn lang.
Hanggang sa...
Isang araw, kinausap ako nang tatay niya.
Pinakiusapan niya ako na pakitunguhan ko nang maayos ang anak niya.
Hindi ako nakinig...
Habang nag-aaway kami ni Julia dahil gustong gusto ko na nun umuwi nang pilipinas para balikan si Kathryn, bigla siyang nahimatay.
Kaya dali-dali ko siyang dinala sa hospital.
Doon ko nalaman ang kalagayan niya.
May Leukemia si Julia.
Hindi pa siya ganun kalala, ngunit sabi nang Doctor ay habang tumatagal ay lalo itong lalala.
Alam na pala ito ni Julia at nang pamilya niya matagal na.
Kaya nang humiling si Julia sa kanila na gusto niyang maikasal sa akin ay ginawa nilang lahat para lang mapapayag ako.
Tinakot din pala nila si Daddy na kapag hindi sila pumayag ay tatanggalin niya lahat nang shares niya sa kompanya ni Dad para lalo itong mabaon sa utang.
Araw-araw nagkakasama kami ni Julia, ay mas lalo akong naaawa sa kanya.
Nakikita ko yong pangangayayat niya. Yong pamumutla niya. Kong minsan pa ay nagsusuka siya.
Kinausap niya ako.
Hindi...
Nagmakaawa siya sakin.
Na gusto niyang bigyan nang Apo ang magulang niya.
Na kahit wala na siya ay hindi gaanong malulungkot ang magulang niya.
Hindi ako pumayag nong araw na mag-usap kami.
Pero habang nakikita ko siya sa ganong kalagayan ay lalo akong nakokonsensya.
Kaya kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko...
Nagpakalasing muna ako bago ko gawin yun..
Tawagin niyo na akong masamang tao..
Pero yong nakikita ko kapag ginagawa namin yun ay ang mukha ni Kathryn..
I even heard myself moaning her name.
Kaya kitang kita ko kong paano tumulo ang luha ni Julia tuwing babanggitin ko ang pangalan ni Kathryn.
Ilang linggo lang ay nagbunga ang ginawa namin.
Pero delikado para sa lagay niya...
Sabi nang doctor mas lalong mapapadali ang buhay niya kapag pinagpatuloy pa niya ang pagbubuntis niya.
Ipinaglaban niya ito...
Hanggang sa isilang niya si Julian Ezekiel.
Naging magandang Blessing si Julian saamin ni Julia.
![](https://img.wattpad.com/cover/27816106-288-k613781.jpg)