Chapter 58.2 - Bad News

175 0 0
                                    

Alex.

"Sa tingin mo Alex, babae or boy ang baby ko?" tanong ni AM habang pumapapak ng condensed milk na kanina pa niyang request.

"Well, sana babae para naman may madamitan na ako. Ang dami kayang mga cute dresses for little girls sa malls!" excited na sabi ko dito kay buntis. Yung kay Adrian kasi ay baby boy kaya puro toys ang bigay namin.

"Oo nga noh? Tsaka para na din ako ang kamukha hindi yung siraulong sperm donor ko! Baka maging junior niya pa pag nagkataon, huwag naman sana Lord!"

Napatawa na lang ako kay AM. Pero nakakabilib 'tong babaeng 'to, napaka-positive sa mga bagay-bagay. Kung ako nasa kalagayan niya eh baka hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Nasan ba kasi yang si Hermes at nagdisappearing act?!

Biglang tumunog ang cellphone ko, si Chinno. Bakit kaya?

Alex: Chinno! Tinira ni AM ang condensed milk niyo dito! Ubos na!

"Oy meron pa ah!" sigaw ni buntis sa background.

Chinno: Sabihin mo diabetes ang abot niya diyan Hahaha! Pero teka, si Pammy ba? Busy ang phone niya.

Alex: Nasa kwarto eh kausap yung O.B. niyo. Teka puntahan ko. Patawagin ko nalang sa'yo.

Chinno: Geh! Nga pala Alex, si Hades ang susundo sa inyong tatlo papuntang HIT.

O_O Huh?! Bakit nandun siya?! Bakit siya?

Alex: T@ngina ka Chinno! Bakit siya invited?! Tsaka bakit hindi ikaw ang susundo?!

Chinno: Pucha! Lugi pa ko sa mura sa'yo! Malamang siya ang engineer ng HIT, si Zeus ang Architect di ba?! Busy na ko mamaya tsaka nagvolunteer, siya na daw.

Alex: Ewan ko sa'yong siraulo ka! MagLBM ka
sana! Kalawangin sana lahat ng mga mamahaling kotse mo! Bwiset ka! Adik! Bye!

"Oh anyare sa'yo?" tanong ni buntis na nagsasalin ng condensed milk sa kutsara.

"Tigilan mo na yang gatas! Yung apples yung tirahin mo!" sigaw ko.

"Eh gusto ko ng matamis eh." malungkot niyang sagot na akala mong aping-api.

"Hindi si Chinno ang susundo sa'tin mamaya, the god of the underworld will." sabi ko kay AM.

Bwiset talaga yang si Chinno! Arrrgggghhhh!

"Si Hades?" tanong ni AM and I just nodded. "Buti napapayag ka?"

"Sinong may sabi na pumayag ako? Yang si Chinno! Siraulo!"

"Hehehe! Kasalanan mo yan Alessandra! Nahihiya ka kay Hades noh? Pero at least naka-Aston Martin tayo, buti nalang pala na siya."

Nang-asar pa 'tong luka-lukang 'to. Hindi ba niya naisip na may kasama si Hades pagpunta dito? *smirk* I took my phone out and called Poseidon on speaker mode.

Don: 'Sup Alex!

Alex: Why hello there sea god! Meron lang akong tanong?

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon