Chapter 34 - Si Lee

304 4 0
                                    

Author’s Note:

First time kong ipakilala si Lee and in the future chapters he’ll play a very important role in the lives of Team Chimmy. ^__^

Maiba ako, napanood niyo na ang English Only, please? ni Papa Derek Ramsay? Feel good movie siya at matatawa kayo sa Beyonce scene nila ni Jennylyn. Hindi niyo pagsisihan kapag pinanood nyo  ^_^  

************************************************

Lumipas ang isa pang buwan at yun na din ang huling beses na nagaway kami ni Chinno. Hindi na din ako nagseselos kung may binigay din sa kanya, nawitness ko minsan kasi ang pagtanggi niya tapos susunod na ang mga nag-iiyakang babae. Haaayyy…. tama na ang drama for pete’s sake! May girlfriend na yang nilalandi niyo! Pero I find it beneficial na din in all fairneaa kasi sa tuwing may magbibigay sa kanya, he tells them na itatanong muna niya sa’kin na girlfriend niya. Tuwang tuwa din si AM kasi siya ang nagbebenefit sa  mga bigay kay Chinno. Supplies nga ang tawag niya kasi halos araw-araw meron. ^_^

Ngayong second monthsary namin, bumabyahe kaming Laguna papuntang Enchanted Kingdom dahil nagkataong Saturday ngayon. Dala niya yung SUV ng mom niya at nasa isang sasakyan naman yung iba. Ang lungkot ngang hindi nakasama yung iba, may kanya-kanya kasing lakad at hindi daw naman napagplanuhan. Sa totoo lang, dapat talaga “date” lang namin ni Chinno ‘to kaya lang sumabit na din yung mga trip sumama. So naging barkada date ang lakad na ‘to kahit hindi kumpleto. Kami lang nina AM, Erin, Pao at May, Adiran at Julie, Alex, at kaming dalawa ni Chinno ang magkakasama.

                 “Babe san na daw sila?” tanong ko sa kanya.

                 “Nagstop over sa Tagaytay, kain muna daw.” 

Nauna kasi sila umalis kasi ang napakagwapo kong asawa ay tinanghali ng gising. Dapat talaga kasama namin si Erin at AM dito kaya lang ayaw nang hintayin si Chinno kaya nakisiksik sila sa auto ni Adrian.

                 “Kain muna din tayo babe? Nagugutom na ko.” request ko sa kanya

.                 “San mo gusto?”

                 “Kung nasan nalang sila.”

                 “Tawagan mo si Pao, sabihin mo hintayin tayo.” sabi niya habang inaabot sa’kin yung phone niya. 

Kinuha ko yung phone niya at tinawagan si Pao na nakaloud speaker. 

Pao: Bro?

Pammy: Pao Pammy ‘to. San kayo kumain? Hintayin niyo kami.

Pao: Nagpapark  palang si Adrian, Leslie’s kami.

Pammy: Okay sige.

Pao: Pakausap kay Chinno sandali.

Pammy: Pao he's driving.

Pao: Saglit lang sige na. 

Inalis ko ang load speaker at tinapat ko ang phone sa tenga ni Chinno. 

               "Bakit? …….namo g@go! Sige na." sabi niya at inalis ko na yung phone sa kanya. Ay.. ano kaya yun? Nacurious naman ako.

                 “Anong sabi ni Pao?”

                 “Wala. Huwag ka ngang chismosa!” pasigaw na sagot niya sabay bigla nalang nagblush.

                 “Wala daw eh nagbablush ka naman.”

                 “Basta. Huwag mo na itanong.”

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon