Chapetr 6 - Sa Perya Part II

280 10 1
                                    

Author's note:

I felt like the last chapter was so long kaya heto medyo maikli lang. :) More likes more fun! :) 

****************************************

Pammy.

Nasa 7/11 na kami ngayon. Ang dami kong gutom at ang dami ding pagkain dito. Hindi ko alam kung bakit pagdating ko dun ay napakaraming food ang binili ni Pao. Sabi niya kumain daw ako ng marami and I willingly obliged. ^_ ^ Nagpasama si Pao kay Chinno sa labas.

                “Pammy san ba kayo nagpunta ni Chinno? May tinatago ba kayo?” tanong sa akin ni Alex.

                Nasamid ako. *cough* *cough* “Ha? Anong tinatago. Walangya lang talaga ‘yang almost boyfriend mo. Dinala ako kung saan maraming clowns”.

                “Eh di natakot ka dun?” tanong ni Alex

                “I almost fainted. I hate him!”

Nagtawanan sila a sinabi ko. (_._) Ang galing ko na naman magsinungaling. Bakit ako ganito? Ano ba kasing trip niya si Chinno. Badtrip siya!

                “Nakita ko nga pala ex mo AM.” Sabi ni Mommy Cha na nasa kabilang table.

                “Sino don?” sagot ni AM.

Nagtawanan kami lahat sa sagot niya at nakahinga ako ng maluwag dahil nagbago na kami ng pinag-uusapan. I have to talk to him.

Pao.

“Chinno ano si Pammy naman?” tanong ko.

“Ano? Anong sinasabi mo? Adik ka ba?”

“Ako pa lolokohin mo?!” seryoso kong tanong. Walangya talaga ‘to. Hindi umamin eh halatang-halata naman. Tsk Tsk Tsk. Sira ulo talaga. Kapag ako nakakuha ng ebidensiya.. haha yari to!

“Hindi pare… wala ‘yon. Nagalit lang talaga siya sa'kin kaya bumawi ako.”

“Siguraduhin mo lang ‘tol. Ang barkada ay barkada. Tigil na tayo kay Alex.”

“Chinno!” May tumawag bigla sa besprend kong babaero. Tumingin kami sa kabilang kalsada at nakita ko si Rica. Papalapit siya sa amin.

                “Ayan na yang chick mo.. haha Goodluck ‘tol!” sabi ko at sakto namang paglabas nina Mommy Cha.

                “Halika na… uwi na tayo. Almost 12 na.” sabi ni Mommy Cha.

Pammy.

Paglabas namin sa 7/11, nakita kong may kasamang babae ang dalawang loko. Maganda siya at mahaba ang buhok, medyo chubby ng kaunti at mukhang pamilyar. Aha! Alam ko na siya yung babae sa dilim kanina. ‘Yung “bago”. Parang sumikip ang dibdib ko… tumingin ako kay Alex. Blanko ang reaksyon niya.

“Si Rica nga pala.” pakilala ni Chinno at tumingin sa akin.

Magkahalong “Hi” and “Hello” ang sinabi ng lahat. Nagsimulang ipakilala kami ni Pao kay Rica.

                “Rics… si AM, Erin, Mommy Cha at boyfriend niya si RJ; si Alex”… may awkwardness sa boses ni Pao “… at si Pammy.”

                “Hello! Finally nameet ko na kayo.” sabi niya while smiling widely. In all fairness, maganda nga siya.

                “Nice meeting you Rica pero mauna na kami ha?” sabi ni Alex. “May curfew kami eh.”

                “Una na kayo. Sunod ako.” sabi ni Chinno at umalis na kami.

Haaaay… sabi nang may curfew eh. Pambabae na naman! >.


Nasa bahay na kami ni Pao at nakapwesto na to sleep. Tiningnan ko ang phone ko.. pasado alas dos na ng madaling araw. Wala pa din si Chinno… haaaayyyy. Lalaking ‘yon talaga!

I decided to go downstairs at kumuha ng tubig. Papunta ako ng kusina nang:

“ Boo!”

“Ay pusang..” gulat na sabi ko. Buti nalang napigilan ko ang sasabihin ko kung di baka nakapagmura na ako.

“Hahahaha!” mahinang tawa ni Chinno.

“Walangya ka talagang lalaki ka!” sigaw ko at hinampas ko siya sa braso.

“Huwag ka ngang maingay. Baka magising sina Mommy Amy.” tinakpan niya ang bibig ko.

Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko. “Eh ikaw kasi eh, halika ka na sa taas!”

                “May pwesto pa ba?” tanong niya at tumingin sa hagdan

                “Meron pa, naglabas ng extra matress si Mommy Amy kanina.”

                “Dito na lang tayo matulog sa sofa, tabihan mo ko!” hinawakan niya ako sa kamay.

Nakaisip ako ng isang brilliant idea. Makakaganti na ko! Inalis ko ang hawak niya at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

                “Hindi kasi ako tumatabi sa lalaking may lipstick..” hinawakan ko ang kwelyo ng poloshirt niya, “..sa kwelyo.” And I walked away. Alam kong epic ang magiging reaction niya. Bwahahahaha!

                “Anong lipstick? Nasaan?!” tanong niya na medyo malakas na ang boses.

Hindi ko siya sinagot at ang dami kong tawa. Umakyat na ako ng hagdan.

                “Huy! Nasaan nga?!” medyo mahinang sigaw niya. Deadma pa rin!

Hinabol niya ako sa hagdan at sabay kami pumasok ng kwarto. Kinuha niya ang duffel bag niya and pumasok sa banyo. Hindi pa siya lumalabas ng banyo nung nakatulog ako.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon