Undelivered Letter #6

202 7 0
                                    

Pammy,

Masaya ako kung ano mang meron tayo ngayon.

Sana hindi na matapos ‘to.

Tinitingnan kita kanina nung nagrereport ka at alam kong alam mong nakatingin ako sa’yo. Ang ganda ganda mo talaga at wala na akong hahanapin pa.

Kung magiging girlfriend kita, ako na ang pinaka maswereng lalaki sa buong mundo.

Pano ba kita tatanungin? Pasensya ka na sa’kin, hindi talaga ako marunong magtanong eh. Mabuti nga nasabi ko sa’yo na gusto kita pero tae! Dinaga na naman akong tanungin kung gusto mo din ako.

Pa’no nga ba magtanong?

Ganito kaya: Pammy? Gusto kita.. gusto mo din ba ko?

Hindi eh.. ganito kaya: Pammy mahal kita… sana mahalin mo din ako.

Hindi pa rin.. kanta yun eh.

Paksyet. Hindi ko talaga alam kung pa’no.

Seryoso akong mahal na mahal talaga kita. Sa’yo lang ako nagkaganito.

Araw araw natatakot akong mawala ka.. sana naman pumayag kang maging girlfriend ko.

Chinno.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon