Chapter 18 - An Answered Letter

279 8 1
                                    

Author's Note

Hello Everyone. More than 1k na ang reads ko! Pinangarap ko lang talaga 300 reads! Promise! Nakakatuwa naman! Ang dami kon ding silent readers, likes naman tayo diyan. ^.^ Thank you sa pagbabasa.. more to come. Promise!

***************************************************************

Itotodo ko na at hindi na ako mapipigilan pa. Naalala ko nung una kaming magkita. Freshmen year tapos ang tahimik lang niya. Hindi niya ako pinapansin or kausapin man lang. Masungit pa. Tuwing magrereview kami ni AM para sa exam, palagi niya akong sinasaway na maingay daw ako. Tapos ngayon, heto ako… yakap siya at araw araw akong hinahatid sa bahay. Kung hindi lang dahil sa isang inuman kina Pao mukhang hindi kami magiging magkaibigan.

Handa na ako.. handa na akong mapanindigan siya. Alam kong may masasaktan, hindi ako magbubulag-bulagan don. Pero hangga’t nandito siya at hanggga’t kasama ko siya, kakayanin ko lahat.

Napansin kong papasok na kami sa subdivision at napansin kong may kotse na nakapark sa tapat ng gate namin. Kinabahan ako ng nakita ko ‘yun. Kotse ni Kuya Iñigo! Oh my gulay!!!

                “Chinno, itabi mo na. Maglalakad na lang ako.” sabi ko kay Chinno at unti-unti niyang itinigil ang motor.

                “Bakit?” nagtatakang tanong niya.

                “Andiyan si Kuya, yun yong kotse niya oh.”

Tumingin si Chinno sa direksyon ng tinuturo ko. At nakita ko si Kuya na lumabas ng gate na may kasamang babae. Si Ate Mitchie yata yun, ang long time girlfriend ni Kuya.

Kung mamalasin ka nga naman oh… tumingin sa direksyon namin ang kapatid ko at nakita ako na kaangkas ni Chinno.

                “Pammela!” sigaw ni kuya at sumenyas na lumapit. Tinawag niya akong Pammela.. anak ng tipaklong! Galit ‘to.. waaaahhhhhhh!

Bababa na sana ako nang umandar ang motor na sinasakyan namin papaunta kina Kuya.

                “Anong ginagawa mo?” takot na tanong kay Chinno.

                “Hinahatid ka.”

                “Pero si Kuya…”

                “Wala tayong ginagawang masama.” seryosong sagot niya.


Nasa tapat na kami ng kapatid kong O.A at bumaba ako ng motor.

                “Sino ‘to? At bakit nakasakay ka sa motor?” tanong niya sabay turo kay Chinno.

                “Hindi mo na kilala yan?! Si Chinno, kapatid ni Ate Christina Razon.”

Nakalimutan kong sabihin na classmate nga pala ng kuya ko ang ate ni Chinno nung highschool.

                “Ahh si Chinno na ba ‘to? Laki mo na ah! May girlfriend na ba?” nakangiting tanong ni Kuya. Tumawa lang si Chinno at hindi sumagot. Kinabahan naman ako baka kasi kung anu-ano ang masabi nito sa kapatid ko. Pag nagkataon daig ko pa si Rapunzel na ikinulong sa tower ng matagal na panahon.

At higit sa lahat, haaayyyy… buti nalang kakilala na talaga ni Kuya itong lalaking ‘to. If not, I’ll have a lot of explaining to do!

                “Kumusta Ate mo? Nasa UK pa?” tanong ni Kuya kay Chinno.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon