Chapter 49 - Special Delivery

198 4 0
                                    

Author's note:

Pasensya na po dahil ang tagal kong nagupdate. Ito na siguro ang pinakamatagal pero this Chapter's worth the wait! Enjoy! (^^)

****************

Pammy.

Chinno calling...

"San ka na babe?" agad kong sagot sa tawag niya.

Kabado ako at the same time sobrang lungkot. Alam ko kasing mali. Alam ko ding walang kasiguraduhan ang hiniling ko....

...pero kailangan naming gawin 'to dahil alam kong hindi siya makakatanggi.

Naaprove ang scholarship ko sa Boston University at masayang masaya si Tita Emily sa nabalitaan niya, agad niyang inayos ang mga kailangang ayusin. Si TiTa Emily ay kapatid ni dad na nasa Boston din. Hindi na siya nakapag-asawa at hindi ko alam kung bakit pero tinuring niya kami ni Kuya na parang mga tunay niyang anak.

With my scholarship grant was my Student Visa to the US at halos mapatalon sa galak si dad. Hindi ko na gustong umalis, dito nalang sana ako. Totoo pala talaga yung kasabihang be careful what you wish for. Matagal ko din kasing dinasal na ipasa ko ang application ko sa Boston. Nagnovena ako, nagrosaryo tuwing Friday at nagsimba tuwing Linggo para lang maipasa ko yon. Gusto din kasi ni dad yun... gusto ni kuya... gusto ng lahat, kaya naman I gave it my best shot. Pero hindi pala yun ang gusto ko, hindi pala yun ang pangarap ko.

All I want now is to be with Chinno. Tanga na kung tanga para igive up ang pangarap ko para sa kanya. Wala na kong pakialam sa sasabihin ng iba dahil alam ko namang no matter what happens, we still have each other. Ayoko na talagang mapalayo sakanya, selfish mang gawin pero wala nang magbabago sa desisyon ko.

"Papunta na, nasa labas ka na ba? Pumasok ka muna, baka mapano ka diyan." sagot niya.

"Hindi na, baka magising pa si Tita Connie. Mahirap na, baka hindi pa matuloy." katwiran ko. Buti nalang talaga eh sa isang araw pa ang uwi ni dad galing Singapore dahil kapag nagkataon, magbabago ang isip ko. Hindi ko kayang ituloy ang plano ko kung andito siya.

Last Wednesday lang ako pumasok sa school, first day ng exams namin, one more week then sembreak na. Nung araw din na 'yon, pinakita ni dad ang sulat ng scholarship grant. Pakiramdam ko non, para akong kandila na unti-unting natutunaw.... yung tipong nawawalan ng buhay habang tumatagal na umaapoy. Hindi ko kayang malayo kay Chinno. Parang ikamamatay ko.

Kahit nakipaghiwalay ako sa kanya, ang balak ko lang non ay mahalin siya kahit sa malayo lang basta nakikita ko siya araw-araw. Pero ibang usapan na 'to. Me, going to Boston means that a part of me will be left here, I'll be leaving my heart with him.

That's why I've decided to ask him to leave with me and I know he wouldn't let me down. "Ganon niya ko kamahal." pagmamalaki ko kay Alex nung araw na sinabi ko sa kanya ang plano ko. Against siya sa idea pero wala naman daw siyang magagawa, hindi naman daw ako papapigil.

Nagulat din ako kasi alam na ni Chinno yung tungkol sa scholarship grant bago ko pa man masabi. Hindi ko alam kung pa'no niya nalaman at binalak ko ding itanong kung paano pero naisip kong hindi na importante pa yun. Ang mahalaga, nakita ko ulit ang saya sa mga mata niya nung oras na sinabi kong hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko.

Ang saya-saya niya, ang saya-saya ko din.

Wednesday pa siya naghahanda sa paglayo namin at ang tagal ko ding hinintay na mag-sabado. Ang dami dami niyang plano. Isa sa mga plano niya ang pagbenta ng pinakamamahal niyang motor dahil kulang daw yung pera niya. Ayoko sanang gawin niya yun dahil alam ko kung gaano kaimportante sakanya yun pero lumundag lang ang puso ko sa sagot niya, babe you're more important.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon