Chapter 2 - Miss Piggy

488 8 0
                                    

Hindi ko pala nasabi na nililigawan ni Chinno si Alex, my BFF. Siya si Alessandra Monique Montreal. Maganda at kahit petite siya, she can wear anything she wants kasi maganda din ang hubog ng katawan niya. She has been my bestfriend since the 6th grade. Our friendship started with a chocolate bar, nasa library ako noon at umiiyak. Sinabi na kasi ng daddy ko sa akin na I have to transfer to another school. Lumapit siya at tinanong kung bakit ako umiiyak. After I told her what happened, without any hesitation ay binigay niya sa akin ang chocolate na hawak niya and said, “Lilipat din ako dun! Eh di may kasama ka na.” And the rest is history.

Ang kapal naman ng mukha ni Chinno na awayin ako samantalang sa akin siya nagpapalakad kay Alex. Kung hindi lang talaga sila dikit ni Eric my loves, super deadma siya sakin. Si James Eric Valdez, ang lalaking papakasalan ko sa lahat ng simbahan sa mundong ito. >///< 1st year highschool pa lang kami, gusto ko na siyang iuwi sa bahay namin para ipakilalang boyfriend ko. He’s charming and very athletic, captain lang naman siya ng Varsity Volleyball Team namin at member din ng Basketball Team. Kaya lang… hindi niya ko gusto. (<.<') Alam ko yun kasi kung gusto niya ko eh isa na ko sa mga nilalandi niya ngayon. Oo, playboy din siya at madaming ka-fling. Haaay.. kelan ko kaya siya makakafling? ^_^” Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa! Pagbalik niya galing Thailand para sa Volleyball Training niya, sasabihin ko na sakanya na mahal ko siya. At ako ang babaeng makakapagpatino sa kanya! Aja Pammy!

M.U ngayon sina Chinno at Alex. “Love” ang endearment nila and based on what I know, they are already saying “I love you” to each other. Sinagot ko ang sulat niya:

        Mahal ka nun. Takot lang siya wait ka lang.

Binalik ko kay AM ang libro at ilang sandali lang ay bumalik na ito sa akin.

                Ayoko na. May iba na ko.

Langyang babaerong playboy na to. Akala ko ba eh seryoso siya kay BFF! Nakatatlong pabalik-balik ang Math book niya.

                Sino?

                Papakilala ko this Saturday, fiesta sa inyo di ba?

                Bakit sa fiesta pa? Sino ba yan?

                Basta.

At dun na natapos ang usapan namin.

Last class na pala namin pero bakit wala pa sina Chinno. Kanina pa silang recess ng hapon wala ah. Tsk tsk tsk. Siraulong mga babaero to! At bakit hindi sila hinahanap ni Miss Lala? Haaayy.. palibhasa eh paborito niya ang mga loko kaya kahit mag-cutting classes sila eh okay lang. Haayy..

“Nasaan ang apat?” tanong ni Mommy Cha. Hinahanap niya si Chinno, Pao, Adrian at GJ.  Siya si Claire Charizze Nolla, ang tinatawag naming Mommy. Maganda si Mommy Cha and napakagaling sumayaw. Hindi siya ang pinakamatanda sa amin and hindi din siya mukhang matanda. It just so happen na siya ang pinakamature sa aming lahat. Kapag may nagkakainisan, wala siyang kinakampihan at ang siya ang nag-iinitiate na pagbatiin kung sino man ang may tampuhan. Kapag may lakad ang barkada tulad ng beach outings and mga out of town trips, hindi siya napapagod na mag-asikaso na parang nanay naming lahat. Gusto niya palagi maayos ang lahat and no one will be left behind. At ngayon nga, worried siya kasi nawawala ang apat na lalaki niyang anak.

“Baka nasa kubo.” sagot ni Erin. Siya si Ma. Erina Cervantes, ang pinakabubbly at pinakamaingay kong kabarkada. Noong nagpasabog si Lord ng sex appeal, siya na yata ang nakasalo ng lahat. In short, siya ang pinakamabenta sa mga boys. Cervantes kasi, anak ng isang haciendero na may coconut plantation somewhere South.

“Baka naman nasa kabilang building.” sabi ni D. Siya naman si Dianne Angela Cornejo, ang aming novelist. Mahilig magsulat at mahilig magbasa ng libro. Lahat ng libro yata nabasa na niya at lahat ng short stories na nasa school newspaper, siya ang gumawa. At wala nang karapat-dapat na maging editor-in-chief ng school paper namin kung di siya lang.

“Nasa room ni Miss Kay.” sagot ni Trish, Patricia Angelica Sarmiento. Transferee siya from an all girl school in Manila kaya naman siya ang pinaka-fashonista sa buong fourth year. Dati siyang model ng isang kilalang clothing line dito sa Pinas and siya ang nagturo sa amin kung paano magayos ng sarili.

“Anong ginagawa nila don?” tanong ni  Mommy Cha.

“Ma.” sagot ni Trish while putting powder on.

“Ano daw?” takang tanong ni Mommy Cha.

“Mommy Cha, Ma for Malay ko.” paliwanag ni Alex.

Bago pa makapagreact si Mommy Cha, dumating na ang apat. Talaga tong mga ‘to, sinakto talaga na tapos na ang class bago bumalik. Nagaayos ako ng gamit ko kasi uwian na nang biglang:

“Bye… Miss Piggy!” pabulong na sabi sa akin ng lalaking kaninang lunch pa ko binubwisit na pagkatapos sabihin ay biglang takbo sa labas.

Arrrrggggg!!! “CHRISTOPHER ZAMBRILLO RAZON!!! BWISET KA TALAGAAAAAAAAAAAAAA!!!”

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon