Chapter 12 - Tindahang bukas 24/7

274 9 3
                                    

Ayaw sana kita isipin at ayoko sana na gustuhin ka.. kaso ilang beses ko mang pigilan ang nararamdaman ko, I will always go back to the times na namimiss kita ng sobra sobra.

Isang buwan na mula nung huli kaming nag-usap at hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako kinakausap tungkol dun. Badtrip siya! Isa siyang malaking question mark! Akala ko magtatanong na siya kung anong problema... pero hindi parin. Deadma, keber at ignored pa rin ako. Willing naman ako sabihin ang totoo.. willing naman akong sagutin ang lahat ng tanong niya. Willing naman ako na maging parte siya ng buhay ko.Teka... anak ng tinapa! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Ano ba 'tong mga sinasabi ko?! Pammela.. pakatandaan mo na may girlfriend na siya. Pinakilala nga sa'yo di ba? Maganda at maalaga di ba? Mahal niya di ba, mahal??? Mahal. Great. I saw my heart break into a million pieces.         

         

          "Hoy, kanina ka pa nakabusangot diyan. Ano bang iniisip mo?" sabi ni Eric na pinitik ang ilong ko.         

         "Aray! Masakit yun ha!" sagot ko.

Oo nga pala.. andito na si Eric at nabwibwiset akong kahit isang katiting na kilig eh wala na akong nararamdaman. Sabagay.. kahit naman dati kahit isang spark na kilig, wala akong nararamdaman sa kanya. Ang alam ko lang dati.. gusto ko lang talaga siya. Pagdating ni Eric from Thailand, may pasalubong kaming lahat na t-shirt. Dapat namatay na ako sa kilig pero...pero ngayon... waaahh! Wala na kong maramdaman.                  

             "Wala na! Wala na KONG maramdamaaaaaannnn!" Napakanta tuloy ako ng Nakapagtataka ng MYMP. Haaaayyy.. baliw na ko sa'yo Chinno.         

     

              "Weirdo kang babae Pammy. Mas naging weirdo ka ngayon nung pagbalik ko." sabi ni Eric.         

           "Pagbigyan mo na ko Tol, confused ako eh." Teka.. anong sabi ko Kay Eric? Tinawag ko siyang Tol? Nakakapanibago at dahil ' to sa petiks na yun! Bwiset talaga. Aaarrgggh!

Wala kaming masyadong ginagawa ngayon, bukas na kasi ang Congress at lahat busy. Final touches nalang sa Speech Choir and then we're set. Dahil kami ang host school ng Congress this year, may mga students from our sister schools ang pupunta. Pasig, Paranaque at Makati yata ang pupunta.

Naisip ko lang.. tae.. malamang sa malamang napakarami na naman chicks ang pupunta. And I'm sure buhay na naman ang mga kalamnan ng limang lalaki kong kabarkada. Heto na, naririnig ko na silang mag-usap:         

          "Adrian! Buhay na naman ang dugo mo. Marami na namang chicks dito bukas!"  pangasar ni Eric.         

          "G@go! Nagsalita.. eh ikaw nga 'tong simpleng manyak! Pero hindi naman ako ang mabenta eh.. yan oh!" sagot ni Adrian sabay turo Kay Chinno.         

          "Ako na naman ang nakita niyo." sagot niya habang may hawak at tumutugtog ng gitara.

At nagtawanan silang lima. Napatingin ako sakanya. Oo... mabenta siya. Anak ng kamote! Napabili nga ako eh! And for sure, madami ding bibili. >.

Napatingin siya sa'kin at umiwas ako ng tingin. Haaayyy.. kelan kaya siya magsasara ng tindahan????(

           "Hoy Paolo, anong problema mo?" tanong ni GJ.         

          "L.Q. eh. Hehehe" sagot niya.

           "Babaero kasi. Buti nalang ako.. mabait." pang-asar na sagot ni GJ.           

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon