Chapter 47 - Iñigo

239 5 6
                                    

Mitchie.

8 Missed Calls

1 message received

(8) Tito Frederico

From Tito Frederico

Mitchaela iha, Iñigo and Pammy had a fight, kindly check on my son. I'm worried. Thankyou.

Natuluyan na silang mag-away. Haayyy.. pasaway talaga 'tong si Iñigo. Alam niya sa sarili niya na ayaw niyang nag-aaway silang magkapatid pero hindi niya talaga na napigilan pa. Sobrang napakaliit talaga ng mundo. Lahat konektado, lahat pwedeng mangyari.

Christina Razon, kelan ka ba matatanggal sa sistema ni Iñigo? Kailan kami makakawala sa anino ng nakaraan niyo ng taong mahal ko? Kung kaya ko lang magalit sa'yo, nagawa ko na.

Reply

Hi tito, sori po. Was sleeping. I'll call him and will let u know po. :)

Calling myLife...

Iñigo: Bee.

Mitchie: San ka na?

Iñigo: Tagaytay na bee.

Mitchie: Okay good. Ahh tumatawag si dad, nag-away daw kayo ni Pammy?

Iñigo: Everything's fine, nothing to worry about.

Mitchie: Tungkol pa rin ba sa kapatid ni... ni Chris?

Heto na naman yung sakit, yung sakit tuwing mababanggit ko ang pangalan ng nag-iisang babaeng minahal ng mahal ko. Tatlong taon na pero alam kong wala pa rin nagbago sa sitwasyon. Mahal ko siya, may mahal siyang iba. Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag sa relasyon namin kahit alam kong may mahal siyang iba. Nung nakiusap siyang tulungan ko siyang makalimot, hindi ako nagdalawang-isip. Ang sabi ko noon, gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya. Ibibigay ko ang kahit ano para lang mahalin niya ako.

Iñigo: Oo, yun pa rin. Hindi lang kami nagkaintindihan.

Pero kahit anong bigay ko, alam ko sa sarili ko na iba pa rin ang gusto niya... iba pa rin kung si Christina ang nagbigay. Ano bang gusto kong sabihin sa sarili ko? Wala naman, siguro katulad lang din ng sinasabi sa'kin ng ibang tao.

Tanga ka Mitchie.

G@ga ka Mitchie.

Isang kang martir Mitchie.

Suicidal mission yang pinasok mo Mitchie.

Hindi ka talaga mahal ni Iñigo Mitchie.

Sa dami ng masasakit na salita na narinig ko mula sa mga tao sa paligid ko, ewan ko kung bakit umaasa pa rin ako na darating ang araw na mamahalin ako ni Iñigo ng buong-buo. Na balang araw, titingnan niya ako ng katulad ng mga tingin niya kay Christina nung unang araw namin siya nakilala. Kaya naman humahawak pa rin ako sa mga pagkakataong ipinaramdam niyang mahalaga ako sa buhay niya. Humahawak pa rin ako sa mga oras na nagseselos siya at sa mga oras na sinasabi niyang ikamamatay niya kapag nawala ako sa buhay niya. Kaya naman, andito pa rin ako sa tabi niya at kinakaya lahat ng sakit na naramdaman, nararamdaman at mararamdaman nung nagdesisyon akong mahalin siya ng sobra.

Kaya mo yan Mitchie, you're stronger now right? Gusto mo 'to di ba? Wala kang hindi kaya basta he's by your side. Ngayon ka pa ba susuko? Ang tagal mo siya hinintay, ang tagal mong nagtiis pero ito lang hindi mo kaya? Para saan pa at pinili mong hindi sumama sa Amerika kung nasaan ang mga magulang mo? Kaya mo 'to Mitchie, wala kang hindi kaya.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon