Chapter 21 - pa-Baguio

220 9 3
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at kinabukasan na ang Retreat na ng 4th year. Napagkasunduan na sa Baguio ang retreat para daw sa mas solemn na lugar kami makapagreflect. Sobra ang excitement ko! Hindi pa kasi ako nakakapunta ng Baguio.

Magkausap kami ngayon ni Chinno sa may gate ng bahay namin, kahahatid lang niya sa'kin galing school.

          "Babe tandaan mo ha? Alas tres ang usapan, don't be late." paalala ko sa napakagwapong nilalang sa harap ko.

          "Psshh! Sobrang aga naman! Hindi naman aalis on time!" reklamo niya.

          "Babe mas okay nang maaga dun kesa naman mahuli ka tapos maiwan. Basta pumunta ka dun ng 3 am, nasa school na ko for sure."

          "Tawagan mo ko para magising ako." nakapout niyang sagot.

@.@ Haaaannnggg cuuuuutttttteee!!!!!

          "Eeeeehhhhh! Baby ang cute mo!" kinurot ko siya sa pisngi.

          "Ouch! Sadista ka." reklamo niya sabay talikod.

          "Sorry na babe... super matampuhin?" Niyakap ko siya ng mahigpit habang siya ay nakatalikod.

He then turned to face me and held my face with his two hands. "You're forgiven." he said and kissed me on my forehead.

          "I love you Chinno." I said while looking straight in his eyes. I will never get tired of looking into his eyes. The happiness they show, the sparkle they make. I know that whenever I'm lost, I can just look at him and I'll know exactly where I am.

I'm in his heart and I'll stay there forever.

Niyakap niya ako ng mahigpit, "Mahal na mahal kita Pammy.... more than words can say."

His presence, his whole being, his whole self. That's what makes me fall in love with him over and over again.

          "Nga pala.. " he said while breaking our hug, "... eto oh." Binigyan niya ako ng Sun Cellular simcard. "I have one too. May unlicall and unlitext yan kaya wala ka nang excuse na hindi ako replyan."

I smiled. Ang sarap lang sa pakiramdam na nagiging ganyan siya kaclingy. That just means he misses me all the time.

          "Thank you babe." I gave him a kiss on his right cheek.

          "Kung yan naman ang kapalit, okay lang maging clingy. Sa kabila naman babe para pantay."

          "Sira ka!..." we laughed, "Sige na, uwi ka na. Malapit na dumilim baka mahirapan ka pa umuwi."

          "Okay sige. Tawagan mo ko bukas para magising ako. Nakasulat na sa papel diyan sa loob ang number ko." Pinastart na niyabang motor niya and I heard it roar.

Bigla akong may naalala, "Ay babe nakalimutan kong sabihin na di mo na ko pwede ihatid sa bahay pauwi. Nagtanong na kasi si daddy kagabi na bakit daw ako hindi sumasabay sa service."

Pinatay niya ung makina ng motor niya at tumingin sa'kin. "Anong sabi mo?"

          "Sabi ko ang dami lang ginagawa sa school."

          "Nagtanong ba kung pa'no ka umuuwi?" Naramdaman kong may worry sa tanong niya.

Lumapit ako at hinawakan ko siya sa dalawang pisngi, "Hindi naman pero kung itatanong niya, sasabihin ko ang totoo na hinahatid mo ko."

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon