Chapter 46 - Someone Better

213 3 2
                                    

Pammy. 

Tahimik lang kami ni Kuya sa byahe pero nagpapasalamat ako na saglit na lang ay nasa bahay na kami. I wasn’t really expecting na darating si Kuya ngayon, Lunes kasi kaya dapat nasa Manila siya. Pero dumating siya, ako naman… umalis. 

Nakaramdam ako ng matinding pagod, yung tipong parang gusto ko nalang matulog ng napakatagal. Sa sobrang tagal, magigising na lang ako na wala na kong nararamdamang sakit. Tama, may masakit sa’kin. Masakit ang parte ng katawan kong sinisigaw ang pangalan niya, humihingi ng tawad sa pagtalikod ko sa pangakong hinding-hindi ako bibitaw. 

Traydor na naman ang mga mata ko, bwiset na naman ang puso ko. How can I endure all this pain if my reason for fighting is nowhere near me? How can we survive this we’re not together anymore? Will he find someone else? Someone better? 

Oo tama Pammy… someone better, way better than you. 

Isipin ko palang, para na kong mamamatay. 

Pero ano bang magagawa mo Pammy? Tandaan mo, why would he even settle for someone na hindi siya kayang ipaglaban? Why would he settle for someone na takot na nga, duwag at paasa pa?! Why would he settle for someone na iniwan pa rin siya sa kabila ng pagmamahal na ibinigay niya?! Don’t you even dare feel na masasaktan ka kapag may iba na siya dahil desisyon mo ang lahat ng ‘to! Ginusto mo ‘to! Ginusto mong saktan siya! Ginusto mong mawala siya sa buhay mo! Ginusto mong ipaubaya siya sa iba! 

Isa kang malaking tanga Pammy. Isa kang malaking g@ga para makapanakit ng ganito. 


Swerte na siguro ako kung hindi niya ako kamumunghian. But on second thought, mas okay para sa kanya na magalit sa’kin ng sobra. Mas makakabuti na yun, mas makakatulong. Mas mabuting kamunghian niya ako para mas madali niya akong makalimutan. Para mas madali niyang matutunang huwag akong mahalin.  

Para talaga akong pinapatay ng unti-unti. Heto na naman ang pakiramdam na parang nahuhulog ka sa isang bangin na walang katapusan.

                 “If only I could change things for us, I would.” mahina kong nasabi.

Totoo naman eh, kung pwede ko lang ibahin ang lahat ng ‘to. Kung pwede ko lang sanang piliin si Chinno. Kung pwede ko lang sana makasama siya habang buhay. Pero hindi pwede. Dahil kahit mahal ko siya, mahal ko din ang pamilya ko. 

Pwede ko naman itago lahat ng ‘to. Pwedeng kami pa rin ni Chinno dahil araw-araw ko naman siyang makikita sa school. Pwede kong isawalang bahala ang banta ni Kuya sa’kin. Pwede naman talaga… 

….pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang maglihim at hindi ko kayang magtago. Nakakahiya mang aminin pero naduduwag akong maging mali ang desisyon ko. Natatakot din akong masaktan ang pamilya ko kung sakaling malaman nila ang lahat. I may not be a perfect daughter or sister, but I know that I’m a good one. Kaya kong isakripisyo ang kasihayan ko, kaya kong isakripisyo ang taong mahal ko. 

He deserves someone better… better than a person who’s so scared to make a mistake because she is so damn perfect! Better than someone who will drop him like a hot potato! Job well done Pammy, masaya ka na ba ngayon isa kang dakilang g@ga?!

                 “Tumigil ka na sa kakaiyak. You chose this.” sabi ng nakakatanda kong kapatid. 

I hate him. I hate him for saying that. I hate him for being so damn selfish. I hate him for running my life and I hate him for being so f*cking bitter! 

But I hate myself more. I hate what I did and I hate myself for breaking his heart. I hate myself for not being strong enough to fight for him. And I f*cking hate myself for not trusting him enough that he’ll take care of me, that he’ll always be there for me whatever happens. 

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon