Undelivered Letter #5

213 10 1
                                    

Pammy,

Hindi ko kayang hindi kita isipin.

Pa'no ba kita makakalimutan?

Masaya ka na malamang ngayon, kasi dumating na si Eric. Siya na ang katabi mo. Kung babasketball kaya ako o volleyball, magugustuhan mo kaya ako?

Ang hirap naman nun Pammy! Nakakastress ng muscles, baka magkapimples pa ko dahil sa pawis tapos umitim gaya ni Eric.

Ayoko sana pero kung hihilingin mo, sige susubukan ko. Wala naman akong hindi kayang gawin basta pumayag ka lang na ilagay ang apelyido ko sa pangalan mo.

Pammela Isabelle Veluz Razona. Tae.. bagay na bagay.

********

Pammy mahal talaga kita. Mahal na mahal kita.

Nasisira na talaga ang ulo ko.

Parang awa mo na. Bigyan mo naman ang sarili mo ng pagkakataong magustuhan ako.

Kahit konti lang.. basta more than friends.

********

Tae! Imposible! Hindi mo ako gusto. Galing na mismo sa'yo.

Ang labo lang. Nung huling nag-usap tayo parang naramdaman kong gusto mo din ako. O nagkakamali ako. Sana magkaron ako ng tigas ng mukha na magtanong sa'yo.

Hindi ko din alam kung bakit ka umiyak at ngayon palang nagsosorry na ako. Sa lahat ng atraso ko sa'yo, humihingi ako ng tawad.

Lalo na sa pagtawag ko sa'yo na Miss Piggy. Wala na kasi akong ibang alam na paraan para mapansin mo ako.

Sorry. Mahal kita.

Chinno

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon