Chapter 39 - Lost, literally

166 5 2
                                    

Pammy.

Kaya ko ba talaga? Kaya ko ba talaga siyang pakawalan? Gulong-gulo na ko kung ano ba dapat kong gawin. Bata pa ko pero bakit ganito na agad ang nararamdaman ko? 

Nung nasa clinic kami, hindi niya ko iniwan. Inalagaan niya ako hanggang sa humupa ang pamamaga ng paa ko. Uwian na nung naghiwalay kami at hinatid niya pa ko sa service. Hindi kami nag-usap buong oras na magkasama kami. Kahit gustung-gusto ko siyang kausapin pero there’s a part of me na ayaw. Siguro natatakot ako, natatakot akong magpakaselfish to take him back. 

Nagring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Pao. Mukhang may lakad na naman yata kami kahit Linggo ngayon.

Pammy: Hello Pao?

 Pao: Pammy. 

Pammy: Bakit? May lakad ba tayo today? 

Pao: Pammy si Chinno nawawala.  

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Pammy: Pa’nong nawawala? 

Pao: Tumawag sa’kin si Tita, kahapon pa daw hindi umuuwi. May inayos kami kahapon ng umaga pero naghiwalay din agad. Hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi. 

Ano ba ‘tong nangyayari sa’min?!  Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko. Hindi pa nga tapos ang isang problema, madadagdagan na naman. 

Pammy: Pao hanapin natin, please.

Pao: Baba ka na, andito na ko sa tapat niyo.

Nagmamadali akong nagbihis at bumaba. Nakita ko na ang kotse ni Pao pero parang may kasama siya. Inaninaw kong mabuti kung sino yun at when I realized who she was, parang nabasag at nagpira-piraso ang puso ko.

                 “Pammy halika na!” tawag sa’kin ni Pao habang binuksan yung pinto ng kotse sa unahan. 

Gusto kong bumalik ng bahay namin dahil nasa harap ko ngayon ang babaeng dahilan kung bakit kami ganito kagulo ni Chinno. Hindi dahil natatakot ako sakanya o dahil baka saktan niya ko. Gusto kong bumalik ng bahay dahil iniisip ko kung anong pwede niyang maramdaman kung makikita niya ako.

Pero mas importante ang mahanap namin si Chinno. Mas importante si Chinno kesa sa babaeng dahilan ng lahat ng kaguluhang ‘to.

                 “Sino nang tinawagan mo?” tanong ko kay Pao habang papasok ng kotse.

                 “Ikaw palang, hinihintay kita.”

                 “Bakit mo pa ko hinihintay?! Ano ka ba naman Paolo!”

                 “Sigurado ka bang sa school niyo nag-aaral ang babaeng ‘to?! Eh parang palengkera makasigaw!” sabi ng babaeng nakaupo sa likod.

                 “Rica! Stop it!” sigaw na suway ni Pao. 

Teka ako?! Palengkera?! Nababaliw na ba 'to?!

                 "Bakit sinama mo pa yang malanding babaeng yan?! Sa tapat palang tayo ng bahay nila, amoy na amoy ko na ang lansa niya!"

Pammy.. tandaan mo she's hurting kaya siya galit. Huwag mong papatulan.

                 "She's the only person that Chinno will listen to. Kung makikita natin siya."

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon