Chapter 51 - After four years Part 1

252 5 3
                                    

Author's Note.

Emeged! Ang tagal ko palang hindi nakapagupdate dahil sa tatlong dahilan. Una, may trangkaso ako until now. Buong week akong may colds at ngayon trangkaso na. :( Second, nagkaron ako ng writer's block dahik na din sa pangatlo kong rason, undecided ako sa mangyayari sa college. Naumpisahan ko na nag mga pangyayari sa paboritong parte ng buhay ni Pammy.

Hapy 7.7K reads na nga pala!!! Nainsipire ako bigla! ♥ Thank you talaga! Dedicated sa kaibigan king beauty queen na si Aika Manlangit.

***************

Chinno.

                 “Are you ready for tomorrow?” tanong ni Pao. 

Kasama ko siya ngayon at kumakain sa isang fastfood chain malapit sa school ko. Tambay kami sa Morayta dito. UST siya nag-aaral, FEU naman ako. Kumakain kami at busog na busog din ang mga mata namin sa dami ng chics dito. Hahahaha Friday and oh yeah, wash day kaya naman naglipanan dito ang mga chics na gusto ng good time.

                 “Huh? What’s with tomorrow?”

                 “Tae! It’s our flight you dumbass! Kasal na ni Adrian at pinsan mo!” sigaw ni Paolo.

                 “Crap! I thought next week pa, nakalimutan ko. I don’t have a suit yet.”

                 “Then get one later. Let's wait for eveyone here then derecho na tayo sa mall.”

                 “Where to? Hindi ko alam ang bibilhin ko, tawagan ko lang si Rica.”

                 “Hindi na, kami na lang and besides pa'no makakamove on 'yun if you still ask for her?" sagot ni Pao na nakakaloko ang tingin.

Hindi ko na siya sinagot sa tanong niya, mahirap din kasing sagutin. Ilan buwan na din pala nung naghiwalay ni Rica. Kung dinerecho niya na lang ako na may iba siyang gusto eh di sana hindi ko naramdamang lumiit ang balls ko! Bahala siya. Para na din siyang nagtampo sa bigas.

              "Sinong pipili? Kayo? Thanks but no thanks, pagtripan niyo pa ko. Pero okay lang, kahit naman ano bagay sa’kin sa gwapo kong ‘to. Hahahaha!”

May ilang buwan na rin kaming halos araw-araw magkakasama niton babaerong kausap ko at si Aki. Minsan kapag may oras nakakasama din namin si Alex at Mommy Cha pero madalas etong mokong na 'to lang.

                 “Lul, mas gwapo ako sa’yo.” hirit ni Pao.

                 “Tama na ang lokohan, mga siraulo.” hirit ni Aki na kadadating lang at may hawak  na maleta. 

Napagkasunduan na nga pala dati pa na sa condo ni Pao nalang magstay the day before ng flight. Napakahirap na maghintayan knowing these folks. Uuwi pa nga pala ako sa condo ko para magimpake.

Mag-aapat na taon na mula nung highschool at isang sem na lang, matatapos na kaming mag-aral. Minsan na lang kami magkita magbabarkada kung hindi man sembreak, New Year para sa barkada party. Naghiwa-hiwalay din kami ng landas after graduation. Magkapareho man ng school, iba’t iba naman ng course.

Kasama ni Aki si Tres na naging kaibigan na din namin dahil sa kaibigan nga siya ni Aki. Malaki ang HD (hidden desire) ni Aki kay Tres at lingid sa kaalaman nitong si Akia Kassandra, the feeling was mutual. Ewan ko kung ano bang lagay na ng dalawa pero mukhang naghihintayan lang sila pareho. 

Umupo si Tres sa tabi ni Pao at sa tabi ko naman si Aki sabay hawi sa tray na punung-puno ng french fries.

                 “Oy! Akin yan!” saway ko sakanya. Ang takaw talaga nito. 

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon