Chapter 52 - After four years Part II

375 8 3
                                    


Chinno.

"Paaaaammmmmmmmyyy!" sigaw ng lahat sa harap ko at biglang tumakbo. Kung nanaginip ako sa narinig ko, ayoko nang magising. Patuloy lang ang kamustahan at tawanan pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatingin.

"Anong problema ng isang 'yon?" tanong ng isang pamilyar na boses na matagal kong hindi narinig. "Ex? Anong nangyari sa'yo?" tanong niya ulit.

Ex. Siya nga yon, ang ex ko. Sa totoo lang ayokong humarap sa kanya dahil baka ilusyon ko na namang nandito siya. I still look for her in the crowd, hoping that I would see her. Hoping to see the familiar smile and the familiar eyes that I would trade anything for.

"Chinno?" pangalawang tawag niya pero hindi pa rin ako makatingin. T@ng*na! Bakit ba kasi natorpe na naman ako? Ang tagal kong pinaghandaan ang pagkikita namin ulit pero tae, nabakla na naman ako! Ang tagal naming hindi nagkita tapos gantio lang? Tae!

"Chinno, last na talaga 'to!" huling tawag niya. Kung kilala ko pa siya, mukhang pikon na siya sa hindi ko paglingon. I turned to look at her, ang una kong nakita ay ang buhok niya. She used to have short hair na hanggang tenga niya lang, pero ngayon it was long and it highlighted her eyes. Yes, her eyes... they were the same f*cking eyes that looked beyond who I was.

"You're beautiful." I said and realized I was walking towards her. My heart pounded like crazy. My heart missed her, missed her so f*cking much. Mas maganda siya sa malapitan, nagmature ang hitsura niya pero bagay na bagay sa kanya. She smiled at me and saw that she didn't have her braces on anymore which made me looked at her lips. Her lips were so tempting, t@ng*na! Gusto ko siyang halikan!

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. May parang gusto siyang sabihin sa mga yakap niya pero hindi ko maintindihan. I hugged her back at ang sarap lang sa pakiramdam. The queen of my castle had returned and this time, I'm never letting go. "Thank you and you look gorgeous Chinno. Are you working out? Man, ang laki ng nilaki ng katawan mo! I didn't realize that facial hair suits you and you've matured. Pwede ka nang maging tatay ex-hubby!" she giggled still hugging me.

I pulled her even closer at binuhat siya. Apat na taon Chinno, apat na taon mo siyang hindi hinawakan. My heart melted when she chuckled while clinging on me. I buried my face to her shoulders and smelled the familiar scent. Hindi pa rin siya nagbabago ng pabango, D&G Light Blue. I used to spray the same perfume in my pillow when she left. God, I missed her.

"Kinikilig ako!" - Aki

"Dang! It's like watching a music video." - Pao

"And they're back!" - Alex shouted.

"May bagay na kanta sa inyo! Maybe this time, it'll be love that they'll find. Maybe now they can be more than just friends! She's back in his life and it feels so right! Maybe this time, love won't end!" - AM singing na sinabayan ng iba pa.

Napatingin kami pareho, "Sige na ex, baba mo na ko at napakamalisyosa ng mga taong 'to!" Ibinaba ko siya but I held her hand. I held it like how I did before because I wanted us to be like what we were before.

"Tsansing!" hirit niya sabay kurot sa pisngi ko. Inalis naman niya agad ang kamay niya. "Kayo talaga, past is past! Hindi pwedeng friends?"

T@ng*ina. Friend zone. Ano pa nga bang ieexpect ko? Pero ayoko ng friends lang, mahirap kapag ganon. Special friends pwede pa.

Pumwesto kami kung saan kami nakapwesto kanina at nagdagdag ng isa pang table para pagdikitin. Umorder lang saglit si Aki at Tres and they started eating after. Tawanan, kwentuhan at asaran. Nalaman kong magkakilala na din pala si Tres at Pammy dahil madalas magkausap sila ni Aki sa Skype.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon