Undelivered Letter #4

204 8 2
                                    

Pammy,

Kakatapos ko lang sa sulat ko sa’yo biglang kang dumating na nag-aamok. Bakit naman kita bibigyan ng bigay sa’kin? At bakit naman kita lalasunin? Gayuma? Pwede.. hehehe joke lang.

Ang epic lang ng mukha mo nung nadulas ako na binili ko ‘yung chocolate para sa’yo. Natakot ako na baka makahalata ka at iwasan ako. Mabuti nalang nakagawa ako ng palusot. Ang henyo ko talaga.

Dapat talaga tatanong ko sa’yo kahapon kung bakit ka nakatingin, kaso dinaga na naman ako. Kaya tuloy nakautang ako sa’yo ng wala sa oras.

Pero kung henyo ako, bakit hindi ako makaisip ng paraan para magustuhan mo? Wala na. Dead end na ‘to. Sigurado na talaga ako na titigil na ako.

Mamimiss kita Pammy, sana ako rin mamiss mo.

Chinno

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon