Chapter 43 - The Medyo Bad Boys

246 5 3
                                    

Pao.

Kining-ina talaga yang grupo ni Rod! Daig pa ang mga ninja, bigla nalang susulpot! Baka tuloy nagalusan ang napakagwapo kong mukha, patay na naman ako sa nanay ko nito. Tsk. Tsk.

        "Bro san daw?" tanong ni Eric habang sinabayan ako na nasa motor din.

San kami nito? Pucha talaga yang sina Rod, eh kung sa sugal nalang sila gumanti eh di nanalo pa kami.Yun lang naman ang puno't dulo ng pagpuputok ng mga pantog nila eh, ang dalawang daan libong natalo nila sa sugal. Ang tataas ng mga ihi eh mga bahag naman ang buntot! They barked at the wrong tree!

Pinaghatiaan naming apat ang dalawang daang libo, hindi kasi gumaganito si GJ. Siya yata ang pinakamabait sa amin, yata lang kasi ako talaga ang pinakamabait, pinakagwapo pa! *gwapo pose insert here* San namin dinala? Heto, sa mga motor naming apat, tig-iisa kaming Honda Rouser, ang motor na pang gwapo na malakas makahatak ng chicks!  Itim yung pinili kong kulay, kay Eric asul, kay Adrian puti at ang pinakamaarte sa lahat, kay Chinno na itim at dilaw. Pinacustomize ni g@go para daw mas astig. Bakla ampota!

Sa dami ng kalokohan namin sa sugal, nakakapagsinungaling din kami minsan. Kaya nga mga "medyo" bad boys kami. Hahaha Gaya nalang nung palusot namin sa pagbili ng motor, kunyari nag car wash boys kami. Ako? Mapapaglinis mo ng kotse ng ibang tao, b*tch please! Tss.

Pero napansin ko lang na nagbago si Chinno, under ampota! Hindi na naninigarilyo, hindi na siya masyadong nagmumura at hindi na nambabae. Isang malaking himala yun dahil akala ng lahat ako ang babaero, siya talaga. Mahilig ang g@go, walang nagiging girlfriend yan na pinapalampas kaya muntik nang mapikot! Hahaha Isang malaking himala si Pammy sa buhay niya, at masaya ako nakatagpo siya ng babaeng makakapagpatino sa kanya.

        "Let's pull over, tanong ko sa kanila."

Tumigil kami sa may tapat ng isang tindahan para tawagan ang besprend kong abno.

       "Bili lang akong yosi." paalam ni Eric.

        "Isa din sa'kin bro, lights."

Hindi alam ng karamihan, mahilig kami sa sugal at oo, nagyoyosi na din. Hindi nila pwedeng malaman, lalo na si May, si Julie, si Trish at si Pammy. Kung itatanong kung bakit ieh obvious kung bakit, maghahalo ang balat sa tinalupan. Hehe

Calling Chinno_Razon.....

Pammy: Pao?

Pao: Pammy, san daw tayo?

Pammy: *Babe san daw tayo sabi ni Pao? Ah sige eto oh*

Chinno: Uwi ko na sila, gabi na din naman.

Pao: Aga pa bro.. tambay muna?

Chinno: Shoot san?

Pao: Baywalk, daan kang 7/11 bro. Bili ka ng pangchill.

Chinno: Sige. Sabihan mo yung tatlo.

Pao: Eric's with me, I'll text them.

To: + Medyo Bad Boys

Baywalk tayo, boy's night out. Bring the girls home.

Message Sent

****************

        "Wala pa ba? Pota! Halos dalawang oras na tayong naghihintay!" rekalmo ni Adrian.

       "Wala pa ba? Baka umuwi na ko, baka hanapin na ko ng nanay ko." reklamo din ni GJ.

        "Tae! Katatanong lang GJ! Nakikita mo bang andito na?! Mama's boy ampota!" sagot ni Eric kay GJ.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon