Untold - V.II

86 2 1
                                    

Author's note: (Basahin natin kasi important.)

MERON NA PONG STORY ANG BESTFRIEND NI CHINNO NA SI PAOLO. HIS STORY IS ENTITLED "HERE IN MY HEART." Nasa works ko po! Let's support Paolo in his road to forever kahit walang forever pero may lifetime. 😊 Thank you!

***********

Mitchie.

"Hanggang kailan kayo dito?" I asked. Iñigo was walking me home on a Thursday night after a tiring day at work.

"Hanggang matapos ang project. Pinakamalaking account 'to kaya kailangang pagbutihin ang trabaho." he answered smiling and that smile made my heart melt.

I blushed, ramdam ko at mabuti nalang na malamig ang panahon kaya sadyang mapula ang mga pisngi ko.

"Ang layo ng bahay mo para lakarin Mitchie. Bakit hindi ka magtaxi nalang?" siya namang tanong niya.

"One way 'to." turo ko sa kalsada na nilalakran namin. "Iikot pa ang cab sa kabilang street kaya mas gusto kong maglakad nalang. Pagod ka na? Sabi ko sa'yo huwag mo na akong ihatid eh."

"Ang gwapo ko para mapagod Mitchie. Naaawa lang ako sa'yo dahil araw-araw kang naglalakad pauwi." biro niya.

"Whatever Iñigo." I rolled my eyes but I couldn't stop myself from laughing.

Natigilan siya sa paglalakad. "Bakit?" tanong ko.

"Your laugh's still the most beautiful  thing I have ever heard. Hindi ko alam kung bakit tumigil ako sa pagpapatawa sa'yo." bigla niyang sabi.

I can't think of a smart comeback to him. Sa dalawang linggo naming magkatrabaho, palagi kong iniiwasan ang mga innuendoes niya. Hindi naman dahil sa ayoko na sa kanya because God knows how much I still drool for this Greek god personified right next to me. Hindi ko maiwasang isipin si Christina Razon at kung bakit nilalandi pa rin ako ni Iñigo.

"Si Chris? Kumusta siya?" I asked with the hidden intention to know more. Mas gusto kong itanong kung kumusta na sila kesa kung bakit ganito ang trato niya sa'kin.

Ngumiti si Iñigo ng nakakaloko.

"Bakit?" wala sa sariling tanong ko.

"Wala." he said still with the smug look in his face. "Chris is... good. Engaged na."

My heart tore a million pieces. Engaged na sila, ang sakit pa rin. Bakit ba kasi ang landi-landi ko?

"Congratulations. Good for you." Lasang-lasa ko ang ampalaya sa bibig ko. Ang pait ng pagkakasabi ko na tipong gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader.

"Bakit?" sabi niya still smirking as if I told him something funny.

"Anong bakit?" Medyo napipikon na ako sa lokotoy na 'to.

"Bakit good for me?" he asked.

I stopped in front of my Brooklyn apartment building. "Kasi engaged ka na. Patingin ng singsing, was it from Tiffany's or was it a Harry Winston? Baka pinairal mo naman ang pagiging kuripot mo, alam nating Chris deserves the best in this world." I held back my tears. Gusto kong saksakin ang sarili ko sa sinabi ko.

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon