Chapter 15 - Cupcakes at Selos

289 12 5
                                    

Author's Note:

Nastress ako ng bongga sa chapter na 'to! Pero I really hope you guys will like it!More votes more fun ang peg natin ngayon!

**********************************************************

Nasa canopy kami ngayon where we can see the different bulletin boards ng iba’t ibang organizations sa St. Rafael High. Nagseset-up kasi kami ng project namin for Sister Aurora. We have to showcase the different Mysteries of the Holy Rosary so gagawa kami ng posts na magpapakita ng bawat mystery.

Sa group nina Thirdy ang Glorious Mysteries, kina Mommy Cha namana ng Joyful, kina Alex ang Luminous Mysteries at  nagkataon sa group ko ang naatasan para sa Sorrowful.

Since may bahid dapat ng luksa ang sa amin, naisipan kong gumawa ng parang garden at nakalagay sa plywood with real orange dry leaves tapos idinikit ang pictures ng bawat mystery na nirerepresent ng group namin. Dahil nga parang garden ang theme ko, kailangan ko ang kamacho-han ng mga lalaking kong kaibigan para iset-up yung booth na may mga paso at mga sanga sanga ng puno. ^.^

I was lucky enough nasa group ko si Chinno at GJ. Pinilit nilang dalawa na tumulong yung iba pang gwapings. May kailangan kaming kunin na mga Styrofoam sa classroom kaya nagpasama ako kay AM, na kagroup ko din naman. Paakyat pa lang kami ng hagdan papuntang classroom, may sumalubong sa amin na mga students. I think sophomores sila at hinarangan ang dadaanan ni Chinno. Napatigil kami sa pag-akyat.

                “Hi Chinno! Are you busy?” tanong ng isang babae.

‘Hello?? Obvious ba?? Nagseset-up kami ng project!’ sigaw ko sa isip ko.

                “Di naman, bakit?” sagot ni Chinno. Napatingin ako sa kanya. Busy kaya kami! Bakit niya sinabing hindi??????

                “Good. Marie game na!” sagot ng babae sabay tawag sa kaibigan niya.

May lumapit na maputing babae kay Chinno at may inabot na box. Ano kaya ‘yun?! Napupuno ng inis ang dibdib ko. Ang lalanding mga bata!

                “I made these for you. I hope you like’em!” sabi nung Marie na nagbablush pa.

                “Ah salamat. What are these?” nakangiting sagot ni Chinno.

Anak ng tinapa! Bakit niya tinanggap at bakit din siya ngumiti??!!! Playboy! Heartbreaker! Malanding nilalang!

                “Those are cupcakes. I made those for you Chinno kasi I really like you.” nakangiting sabi nung Marie.

Subukan mong mag-react lalaki ka at maghahalo ang balat sa tinalupan! Ngumiti siya at mas matindi pa sa kung ano mang salita ang ginawa niya.

Hinawakan ni Chinno yung Marie sa ulo at ginulo ang buhok niya sabay sabing, “Salamat.”

What the f*ck???? Naman!!!! Akin yung gesture na yun eh! Alam ko yung feeling kapag ginawa yun sa’yo eh!!! Christopher Zambrillo Razon, isa kang malanding playboy!!! Bugbog sarado na si Chinno sa isip ko pero hindi ako pwedeng magreact. Oo na! Alam niyo na! Hindi naman kami! Walang akong karapatan.. pffft! Lumapit ako sa kanina at tumayo na nasa harap sila pareho.

                “Tapos na kayo? Marami pa kasing kailangang gawin.” seryoso kong sabi. I made sure na abot-langit ang taas ng kilay ko at hindi maipinta ang mukha ko.

                “Hoy Chinno! Halika na! Sasabog na ang Pinatubo!” natatawang hirit ni AM.

Muntik na din akong matawa pero kailangan kong maging fierce! I flipped my long straight hair, inirapan si Chinno at umakyat pataas. Ang sarap itulak ng malanding babaeng yon sa hagdan!! Isa pa yang si Chinno!!! Grrrr! Napaka-pacute!

Para sa Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon